Kapag dumarating si Hesus sa ating buhay, kapayapaan ang kanyang ibinibigay at inihahatid sa atin. At kapag tinatanggap natin ang kanyang pagdating, kapayapaan ang ating nararamdaman. Nagiging panatag ang ating puso sa gitna ng pighati.
Unang-una, pighati. Nang namatay si Hesus sa krus, lubos ang pagkabigo ng kanyang mga alagad. Si Tomas ay isa sa mga nabigo. Mahal na mahal ni Tomas si Hesus. Bago pa mang pumunta sila sa Herusalem, ipinangako ni Tomas na samahan si Hesus hanggang kamatayan. Kaya, nang magpakita si Hesus sa kanyang mga alagad, wala si Tomas. Kailangan siyang mag-isa upang pag-isipan ang mga nangyari, upang bigyan muna niya ang sarili ng panahon upang umahon sa kanyang kalungkutan. Kaya, nang sabihin ng kanyang mga kasama na nagpakita si Hesus, hindi siya naniwala. Hindi dahil kulang ang kanyang pagmamahal. Kundi, sino ba sa atin ang maniniwalang ang mga sumakabilang-buhay ay nabuhay muli --- nabuhay na parang di namatay, may katawan at humingi pa ng pagkain?
Kaya, nang maratnan ni Hesus si Tomas kasama ang mga alagad, inanyayahan ni Hesus si Tomas na ilagay ang kanyang mga kamay sa kanyang mga sugat: sa kanyang paa, kamay at katawan. Sabi ni Hesus, “Tingnan mo ang aking mga sugat. Ako ito!” Kaya nakikilala natin si Hesus sa kanyang mga sugat: sa iba’t ibang litrato na ginagamit natin sa ating pagdarasal, lagi nakaukit ang mga pinag-pakuan at pinag-sugatan.
Nakikilala din natin ang isa’t isa dahil sa ating mga sugat. Balo: isang kaibigan at kamag-anak natin na sumakabilang buhay na ang kanyang kabiyak. O ang ating mga panananaw sa buhay at galaw sa pang-araw-araw ay dahil sa ating mga sugat. May mga labis ang pagsisikap dahil ayaw na nilang ulitin kanilang pagkabigo. May mga ayaw nang magmahal dahil ayaw na nilang masaktan.
Pangalawa, pagtanggap. Nang mailagay na ni Tomas ang kanyang kamay sa sugat ni Hesus, lubos rin ang kanyang pagkilala sa kanya: “Panginoon ko at Diyos ko!” Para sa mga manunulat, ang kanyang pagkilala kay Hesus ang siyang lumagom at bumuod sa lahat nang sinabi ni
Kapag may pagtanggap sa ating mga kapighatian, sa mga pangyayari sa buhay na di kanais-nais at masakit, pumapanatag ang ating loob. Kasama natin si Hesus sa lahat nang ito. Kapayapaan ang bunga ng Muling Pagkabuhay.
*My ICTUS students.
No comments:
Post a Comment