23 Mayo 2010. Linggo ng Pentekostes
Gawa 2, 1-11. Psalm 104; Roma 8, 8-17. Juan 14, 15-16
Hindi maipagkakaila ng mga unang Kristiyano ang mga pagbabagong naidulot ng pagbaba ng Espiritu Santo sa kanila sa araw ng Pentekostes dahil sa mga biyayang nakamit nila (1 Cor 12-14). Ang mga biyayang ito ang naghubog at nagpanday ng mga komunidad na nagkakaisa sa kanilang malalim na pag-ibig kay Kristo.
Hinahamon tayong lahat na maging mapagkupkop at mapagkaibigan sa lahat ng tao kasama ang mga hindi nating kabilang tulad ng mga taong kasapi sa iba’t ibang relihiyon, kultura o pananaw sa buhay. Sa gitna ng alitan, pagtutungali at digmaan, ang Espiritu Santo ang magsisilbing lakas sa pagpapalaganap ng pagkakaisa, paguunawaan at kapayapaan. Sa pag-uunawa sa bawat isa na bunga ng pagmamahal natin kay Kristo, gagalangin natin ang ating pagkakaiba, itataguyod natin ang katarungan at pagkapantay-pantay, at ipapalaganap natin ang mga pinapahalagahan ng lahat ng tao sa buong mundo.
No comments:
Post a Comment