22 Mayo 2010. Sabado sa ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Acts 28, 16-31; Psalm 11; John 21, 20-25
Iba-iba ang landas ng bawat isa. Iba-iba ang nakaukit na kapalaran sa palad ng Diyos. Hindi importante kung ano ang kapalaran ng kapwa kaysa atin. Wika ni Hesus nang tinanong siya ni Pedro ukol sa alagad na mahal ni Hesus kung ano ang sasapitin niya. Sabi ni Hesus, “kung loobin kong mamalagi siya hangga’t ako’y pumarito, ano ito sa iyo? Sumunod ka sa akin!”
Sa halip na sundan natin ang tawag ng Diyos sa atin, nauubos ang ating oras sa pagkukumpara sa kapalaran ng ibang tao. Sa halip na hanapin ang sariling landas, hindi natin ito natatagpuan dahil hinahangad natin ang hindi para sa atin. Iisa lamang ang dapat na sundin: ang kalooban ng Diyos. Kailan ba tayo napapatingin sa iba at nainggit sa halip na magsikap ayon sa sarili nating bokasyon?
2 comments:
I know the path God has for me. I am walking on that path and shall not get off to follow or take other people's path. I think that's why I have become so pragmatic. Listening to the voice of the Holy Spirit really helps, it guides me literally whether to do something or not.
I am happy that you are in the path of God and following His Spirit. God bless.
Post a Comment