Judges 13, 2-25; Psalm 71; Luke 1, 5-25
Note: This is a dawn mass (Simbanggabi) homily.
Noong panahon, isang malaking kahihiyan ang pagiging baog. Ang kaganapan at higit na kasiyahan ng mga mag-asawa ang pagkakaroon ng mga anak. Dahil dito, kapag hindi nagkakaroon ng sanggol ang mag-asawa, palaging nararanasan nila ang kahungkagan o emptiness, may palaging kulang sa kanilang buhay, at hindi ganap ang kanilang kaligayahan kahit napupuno man ito ng iba’t ibang bagay. Si Sarah ang pinakamamahal ni Abraham; si Rebekah ang pinaka-iniibig ni Isaac; si Rachel ang pinakatatanging babae sa buhay ni Jacob. Si Hannah ang ginigiliw ni Elkanah. Ngunit lahat sila ay baog. Kahit nakamtan na nila ang higit na pag-irog ng kanilang mga asawa, nananatili pa ring butas at kulang ang kanilang buhay.
Ngunit ang kuwento ng mga babaeng ito, kasama na ang asawa ni Manoa at si Elisabet na asawa ni Zacharias, ay mga kuwento ng tagumpay at kaligayahan. Kung kailan nilang lahat ipinasa-Dios ang kanilang kalagayan at tinanggap na ang kanilang pagkasawi dahil matanda na sila, tsaka sila binigyan ng anak ng Diyos. Mula kay Sarah, si Isaac. Mula kay Rebekah, si Jacob. Mula kay Rachel, si Benjamin at Joseph. Mula kay Hanna, si Samuel. Mula sa asawa ni Manoa, si Samson. Mula kay Elisabet, si Juan Bautista. Ang kanilang anak ay hindi lamang naging dahilan ng kanilang lubusang kaligayahan, ngunit naging mga bayani ng bayang Israel at ng pananampalatayang Hudio at Kristiyano.
May mga karanasan tayong tulad ng karanasan ng pagiging baog. There are different forms of barrenness. We may not be physically debilitated, but there are certain issues in our lives that may make us emotionally and spiritually barren and empty. It can be our traumatic experiences, shady secrets, serious sins or the experience of the death of a loved one. They can imprison us and bind us and make us unhappy. Sa kabila ng lahat ng biyaya ng Diyos, tulad ng isang katangi-tanging minamahal, hindi tayo natatahimik kailan man, lagi pa ring may kulang, at tayo’y nagtataka bakit sa pinaka-rurok ng ating mga puso, sa kabila ng ating mga ngiti, ay may nananatiling kalungkutan. At nag-aakala tayo na ang mali ay nasa ibang tao: sasabihin natin --- hindi siya siguro ang magpapasaya sa akin habang buhay. Baka hindi siya ang problema, kundi ikaw. Our feelings of emptiness and meaninglessness are forms of barrenness. Sa madaling salita, walang maaaring magpapasaya o magpapanatag ng ating loob.
But there are ways to move on. Inaakala natin na ang droga, alcohol, pagpapakawala o pagrerebelde sa buhay ang siyang gamot sa ating mga issues o barrenness. Ngunit aminin: alam natin na di ito nagagamot ng mga ito.
The opposite of barrenness is productivity. We can use our barrenness to be productive through many different ways. We can prevent other people from experiencing it or further their plight. Ang karanasan ng karamihan ay simple lamang: kawanggawa; tulong na walang talent fee. Pero saan at kanino? Puntahan mo ang mga taong may katulad sa iyong sitwasyon. Kung ika’y malungkot, punta ka sa Home for the Aged o sa Abandoned Children. Ikaw ang makakaunawa sa kanila. Simple lang ang paliwanag: nauunawaan ng isang sugatan ang kapwa sugatan; naiintindihan ng nasaktan ang nasasaktan. Nagkakaroon ng laman ang ating mga hungkag na puso, kapag binuksan natin ito sa ating mga kapwa hungkag. We fill up our barrenness when we open our lives to people who needs us. When we do this, we allow God to enter our lives. And we become completely happy. And completely fulfilled.
No comments:
Post a Comment