19 Mayo 2010. Miyerkoles ng ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Acts 20, 28-38; Psalm 68; John 17, 11-19
Iningatan tayo ni Hesus nang siya’y naririto sa lupa. At tulad noon, patuloy na iniingatan tayo ng Diyos. Hindi niya gustong mapahamak tayo. At hindi nga tayo mapapahamak kapag nagiging banal tayo sa katotohanan. Halimbawa, isang katotohanan ang kahalagahan ng buhay. Kapag pinuprotektahan nating lahat ang katotohanang ito sa pamamagitan ng pagrerespeto sa kapwa, walang mangyayaring krimen.
Isang magandang basehan ang mga utos ng Diyos. Nakakatulong sa isang mapayapang buhay ang pagsunod sa mga alituntuning itinuro ni Hesus sa atin. Dahil dito maalagaan ang dignidad ng tao at kalikasan. Magiging mapayapa ang ating buhay kapag nananahan ang pag-ibig at katarungan sa ating komunidad. Sa kabilang banda, nagiging mapanganib ang buhay kapag hindi nirerespeto ng ibang tao ang mga katotohanang ito.
No comments:
Post a Comment