Tuesday, January 17, 2012

To Break or To Keep the Law


18 January 2012: Wednesday of the 2nd Week in Ordinary Time
Mark 3:1-6
Inscribed on a Zen monastery sign:
If you break the law, you will never attain freedom.
And underneath it: 
If you keep the law, you will never attain freedom.
The issue in Mark’s Gospel today is not the healing of the paralyzed man, but the healing done on a Sabbath. And because it was forbidden on the Sabbath, the Pharisees were furious, to the point of attempting to kill him. To the Pharisees, the Sabbath should be kept holy, and therefore, no work was permitted. 
But Jesus defied that law blatantly, for the sake of the one in great need. The Law of love is over and above all other laws. Compassion is foremost a virtue greater than others. There is a hierarchy of values. Not all values belong to the same plane. Altruism is one of the greatest characteristics of Jesus.
I remember a story of Peter and Agnes. Both of them were eyeing a luscious mango on the table. Her mom said, “Agnes, take the mango and divide it fraternally.”
Agnes said, “What do you mean by fraternally?” 
“It is to divide the mango into two, giving the bigger part to your brother, and keeping the smaller part for you,” her mom replied.
Without hesitation, Agnes gave the mango to her brother, and said, “Take the mango and divide it fra-ter-nal-ly.”

Labels: , , , , , , ,

Saturday, December 24, 2011

Ang Diyos ng Liwanag


ika-24 ng Disyembre 2011 Misa de Gallo
2 Sm 7:1-5, 8b-12, 14a, 16; Psalm 89; Luke 1:67-79
 
Note: This article appears in the Filipino Sambuhay today. Sambuhay is the missalette published by the Society of St. Paul in the Philippines.

Lumaki si Yuan, 10-taong gulang, sa isang bahay-ampunan. Isang madaling-araw, nagising siya. Bagaman madilim pa, alam niyang hindi magtatagal at magbubukang-liwayway na. Hindi kalayuan mula sa bahay-ampunan may isang napakagandang lawa at biglang naramdaman niya ang kabig ng isang hangarin. Gusto niyang makita ang unti-unting pagsikat ng araw sa kalangitan mula rito.

Ngunit mahigpit ang batas sa ampunan. Walang batang babangon bago ang kalembang ng batingaw. Higit sa lahat, pinagbabawal ang lumisan ng bahay nang walang pahintulot.

Subalit nagbakasakali siya. Nagmadali siyang nagbihis at lumabas na hawak-hawak ang kanyang sapatos. Ayaw niyang ma-istorbo ang kanyang mga kasamang batang mahimbing na natutulog. Habang tinatahak niya ang mahabang pasilyo, tumitindi ang kanyang takot na mahuli. Tila bagang may nagmamasid sa bawat iskinita ng dormitoryo ng bahay ampunan na nagpapakita ng kanilang galit sa kanyang paglabag sa batas.

Kalaunan, dumating siya sa lawa at naghintay sa bukang-liwayway. Totoo nga, unti-unting sumikat ang araw, at nagbago ang kulay ng langit. Pinanood niya ang paglalaro ng kulay sa lawa, ang pagsabog ng dilaw, kahel, pula hanggang sa kulay ng liwanag ng araw. Manghang-mangha siya sa kagandahan ng lawa.

Nang tumunog na ang batingaw, naalala niya ang oras. Hahanapin siya sa bahay-ampunan. At siguradong mapaparusahan siya. Bago niya nilisan ang lawa, sinabi nito sa kanyang sarili: “Maraming salamat. Babalik ako. Ayos lang kung mapaparusahan ako. Ngayon may bago akong alam: ang Diyos ng lawa ay mas maganda sa dios ng ampunan.”

Sa araw na ito, sa agaw-dilim ng Simbanggabi, ibaling natin ang ating puso sa Dios ng Liwanag na mas higit pa sa iba’t ibang “dios” na kumikitil sa ating kalayaan at kasiyahan.

Tulad ni Yuan, namumuhay tayo sa ating mga sariling kulungan. Tulad ng bahay-ampunan, nasasanay tayong mamuhay sa ating maliit na mundo.

Ang nakakatakot mangyari ay simple lamang: dahil sanay na tayo sa ating kinagagalawang sariling bahay-ampunan, hindi na tayo magbabakasakaling danasin ang “Dios ng Lawa” at mangarap ng bagong buhay.

Ito ang diwa ng ikabente-kuwatro ng Disyembre. Naghihintay tayo sa meron, hindi sa wala. Naranasan na natin ang maghintay sa walang darating; sa isang pangakong laging napapako. Sa kabilang-banda naranasan na natin ang maghintay sa merong darating, tulad ng paghihintay ng minamahal na nangibang bansa at nasa eroplano na patungong Pilipinas.

Ang Pasko ay isang paghihintay sa meron; sigurado ang bukang-liwayway. Kailangan lamang na magbakasakali, harapin ang lahat ng takot, lisanin ang kulungan at maghintay. Ito ang Awit ni Zacharias sa Ebanghelio: “magbubukang-liwayway sa atin ang araw ng kaligtasan, upang magbigay liwanag sa mga nasa kadiliman at nasa lilim ng kamatayan, at patnubayan tayo tungo sa daan ng kapayapaan” (Lukas 1:78-79).

Sa araw na ito, mainam na pagnilayan natin ang ating buhay na may kasiyahan sa ating puso. Ibabad nawa natin ang ating sarili sa tunay na kagandahan at liwanag ng Pasko, at hindi makulong sa mga nagkukunwaring liwanag. Mas mainam kung manahimik tayong nakamasid sa Belen: suriin ang madidilim na parte ng ating buhay na kailangan ng Liwanag ng Niñong isisilang. Manalanging maisilang si Hesus sa gitna ng ating buhay. Pagkatapos, hayaang maglaro ang iba’t ibang kulay sa lawa ng ating buhay, sanhi ng tunay na Liwanag.

Labels: , , , , , , , ,

Saturday, December 17, 2011

Ang Butil Ay Isang Pangako


ika-18 ng Disyembre 2011 Ika-4 na Linggo ng Adbiyento
2 Sm 7:1-5, 8b-12, 14a, 16; Psalm 89; Rom 16:25-27; Luke 1:26-38

Minsan magkasamang nagtatanim sa hardin si Lola Indang at si Lilia, ang kanyang apo. Sinusuri nila ang mga butil ng iba’t ibang bulaklak. Wika ni Lilia, “Kakaibang mumunting mga pangako itong mga butil. Maliliit na pangako ang bawat isa sa kanila, di po ba, Lola?”

“Tama ka, apo,” sagot ni Lola Indang. “Bawat butil ay isang pangako. Ngunit, tulad ng mga pangako, may mga kailangang kondisyon upang ito’y tumubo at lumaganap.”

“Ano po ang mga kondisyon ito?” tanong ni Lilia.

“Kailangang hayaan ng bawat butil na ibaon siya sa lupa, isalang sa init ng araw, ibabad sa ulan, at subukan ng hangin upang mamulaklak, mamunga at maging ganap na tanim,” paliwanag ni Lola Indang.

Nangako ang Diyos ng kaginhawaan sa panahon ng kapighatian; ng lakas sa panahon ng tukso’t pagsubok at ilaw sa panahon ng kadiliman. Ngunit hindi makakamit ang lahat ng ito kung wala tayong pananampalataya sa Kanya at lakas ng loob magtiwala sa Kanyang tawag sa bawat isa sa atin.

Katulad tayo ng mga butil. May plano ang Panginoon sa bawat isa sa atin. Sa ating mga kamay nakaukit ang balak niyang gawing ganap tayong mabuti at banal. Nasa atin ang kapalarang maging tunay niyang mga anak. Ngunit bago maisakatuparan ito, kailangan nating “pumirma sa kontrata” - maging aktibong nakikiisa sa Panginoon.

Ito ang mensahe ng lahat ng pagbasa sa huling linggo sa panahon ng Adbiyento. Unti-unti tayong inihahanda ng Panginoon sa bawat linggo upang tanggapin nating lubusan ang pakiki-isa sa pagpapatupad ng pangako Niyang kaligtasan. Sa unang linggo, inilapag Niya ang kanyang pangako. Sa pangalawang linggo, inihanda niya ang ating mga puso sa pamamagitan ng paglilinis sa ating mga budhi at pakikipagkasundo bilang pagpapawi sa ating mga kasalanan. Sa pangatlong linggo, pinangako niya ang kasiyahan sa buhay kung sasali tayo sa kanyang planong ito. At ngayon, tinatanong na tayo kung sasama ba talaga tayo sa kanya.

Habang binabasa natin ang Ebanghelio ukol sa pagbati ng Arkanghel Gabriel kay Santa Maria, tinatanong din tayo, tulad ni Maria, kung nais nating makilahok sa planong ito. Umaasa ang Simbahan na ang ating sagot sa tawag ng Panginoon ay tulad sa tugon ni Maria.

Bago ang pagbati ni Arkanghel Gabriel kay Maria, minumungkahi ni San Ignacio de Loyola sa isang nagre-retreat na ginagamit ang kanyang librong, Spiritual Exercises, ang isang eksena sa kalangitan. Pinagmamasdan ng Tatlong Persona ang sanlibutan at nakita Nila ang ating pagkamakasalanan. Dahil dito, nagpasya Silang ipadala na ang pinangakong Mesias upang iligtas ang sanlibutan.

Doon nila pinili si Maria upang maging ina ng Pangalawang Persona, si Hesus. Kailangan Nila ang ‘oo’ ni Maria sa pagpapatupad ng Kanilang binabalak. Ito ang unang kondisyon ng pagbabago tungo sa ganap na buhay. Tunay at tapat ba ang ating pagsang-ayong makilahok sa balak ng Tatlong Persona?

Pangalawa, ang pakikibahagi sa balak ng Diyos ay hindi sa salita lamang. Tulad ng maraming pangako, ilang sandali lamang ang pagpapabatid. Ilang segundo lamang ang pagpirma sa isang kontrata; ilang minuto lamang ang pangako sa kasal. Isang iglap lamang ang isang sumpaan, ngunit ang kakabit ng ilang sandali ay buong hinaharap na buhay. Kasama sa isang kataga ng “oo” ni Maria ang kapighatiang haharapin niya bilang ina ng tagapagligtas. Kaakibad ng kanyang “oo” ang pait ng paglisan ng kanyang Anak isang araw upang gawin ang kalooban ng Diyos. Higit sa lahat, bahagi nito ang pagyakap sa hapdi ng pinakamalalim na sugat, ang pagpapakasakit at pagkamatay ng kanyang Anak sa krus. Tulad ng butil, kailangan nitong maging bukas sa lahat ng uri ng pagsubok upang ito ay lumago, mamulaklak at mamunga.

Pangatlo, ang hiling ng Panginoon sa atin ay pagpapakumbaba. Mukhang mahirap isakatuparan ang balak ng Panginoon sa atin. Sino ba naman ang nadadalian sa pagpapakabanal? Sino ba naman ang hindi nahihirapan hanapin ang tawag ng Diyos sa ating personal na buhay? Ngunit kung susuriin natin ang mga bida sa panahon ng Adbiyento tulad ni Sarah at Abraham, si Manoah at ang kanyang asawa, si Hannah, si Haring Dabid, si Zacarias at Elizabeth, at kung isama pa ninyo ang mga apostoles, si San Pablo, hindi nila ipinagkaila ang kanilang kahinaan. Ito ang huling kondisyon: ang mapagkumbabang puso’t diwa.

Ipagdasal natin na maganap nawa ang mga kondisyong ito sa atin, upang ganap ang pagtanggap natin sa pagdating ni Hesus sa ating buhay.

Labels: , , , , , , ,

Sunday, October 30, 2011

Gratitude



28 October 2011 Sts. Simon and Jude, apostles
Ephesians 2:19-22; Psalm 19; Luke 6, 12-16
Homily for the Duffy-Delaney Day of the Ateneo de Manila High School


Let me talk about everything we celebrate today: The end of the Marian Months celebration; the Duffy-Delaney Day; the feast of Sts. Simon and Jude. And since I am new, let me draw my stories from my past, prior to being here in the high school. The common theme of all these is the only over-arching point: Gratitude.

The first time I experienced something like the Duffy-Delaney celebration was in 1995. I was a Jesuit regent, like Bro. Madz here, in Xavier University High School. During that time Mrs. Ria Arespachochaga was a JVP there. She knew that I had five preparations (5 lesson plans), a moderatorship, and three organizations. Come Teachers’ Day, all the students prepared something for us.

I knew that when the calendared date arrived, the same ritual would repeat itself. “You know,” one of the other Jesuits would say to me, “your students will be doing something for you.” And I would say, “Can’t we pass this year?” And so I did just that. I exited and watched “Toy Story” the 2nd top-grossing film by Disney/Pixar that year, 1995. I thought, Teachers’ Day was contrived. Same time last year, same day next year, it goes on and on and the same thing happens. Why would you want students to ‘appreciate you’ when sometimes they don’t show that everyday?

So I retreated to the movie theater, thinking that it would be a time for me to rest. The next day, one of my students wrote me, “Why were you not here, Father? It is our delight to love you.”

And so the first point: We are here to celebrate and remember a value: that of gratitude, in the hope that we become grateful persons. The poet Rumi writes, “Find the real world, give it endlessly away, grow rich flinging gold to all who ask. Live at the empty heart of paradox. I’ll dance there with you - cheek to cheek.” (Notice the backdrop). Like birthdays, a day is set to highlight who matters to us, what value is important. Now, we pray for gratitude, but not to be grateful just here, today, this minute; but everyday. To show our love to those people whom we found in the real world, giving themselves endlessly away, growing rich flinging all they have to us.”

* *

One such person is Fr. John Patrick Delaney SJ. I “met” Fr. Delaney SJ who died in 1956 through the people whose lives he touched in UP. I was chaplain there from 2003-2008. From a book called “Chapel Chismis” his former students compiled anecdotes about him. When UP decided to transfer their main campus from Manila to Diliman, Fr. Delaney went with them. When Ateneo was still in Padre Faura, UP was our neighbor; now, it still is. The first thing that Fr. Delaney did was to visit every household in the area. He scoured every single nook and cranny of UP, that soon, a simple chapel has been built and it was full. Since the faithful community was growing, the congregation decided to build a chapel which you see now. The Church of the Holy Sacrifice had been built by a lot of people, some of them declared National Artists as Napoleon Abueva, Vicente Manansala, Arturo Luz, and Leandro Locsin. These were the people whom Fr. Delaney personally visited first. When I met some of these people in UPSCA, they said one thing: they built the church out of gratitude to the man who “virtually moved heaven and earth to bring Christ to Diliman, the campus of UP.” (Mrs. Narita M. Gonzalez)

And thus, the second point: Gratitude is a response to an initiative of love. It is not to be demanded as an entitlement.

In 1989, I took the small bus to Sapang Palay as a novice. A young boy was sitting in the front seat of our bus when a very old man came in the door. He looked around for an empty seat. So the young boy got up and gave him his. After a while, the boy asked the old man, “What did you say?”

The sitting passenger said, “I didn’t say anything.”

At which the boy remarked, “I thought I heard you say, “Thank you.” The old man thought he was entitled to be given a seat because he was old, and so he need not thank the boy!

Do you agree? Should the old man say, “Thank you” or not? What do you think? Who says, “No, the old man has no obligation to thank the boy.” (Raise your hand)
Who says, he should have said, “Thank you” (raise your hand).

Oh yes, I agree: for one to receive a pat in the back, one has to give support first. Fr. Delaney once said, “Give until it hurts.” And St. Ignatius of Loyola in his prayer of generosity will say, “To give and not to count the cost.” And Christ will say, “Give until death.”

For Mary, the cost was a heart pierced by the sword. The rosary is a meditation of the cost of giving. Sts. Simon and Jude, whose feast we celebrate today, gave all that they have to the faith. The cost is not just hurt and blood, but death. And now we remember them, yes, celebrate them, in gratitude. They have loved us first. But of course, Jesus loved them first. Ergo, their martyrdom is a response of gratitude to those who loved “en todo amar y servir.” (Raise your left hand and say to the person to your left, “Thank you.”)

We are not lacking in examples. If you visit the Everest Faculty Workroom today, you will find a sign on their door (Note the photo.): “Libre Haplos.” This to me is the mark of a true mentor of Ateneans. When we give endlessly, gratitude naturally follows. (Raise your right hand and say to the person to your right, “May maghahaplos din sa iyo!”




Let’s do this: (5 Gestures)

(Sarado) A closed hand cannot receive. The phrase has a Biblical ring, and a biblical wisdom that applies profoundly to everyday human affairs. (Suntok) The person who will not share himself with his neighbors receives little friendship in return.

(Protesta) It’s no accident that in many countries the symbol of totalitarianism is the one that you can’t shake hands with: a clenched fist. (Bawi) A person with a clenched fist, no matter how you give, will never receive it because his hands are closed. (Sarado) But the tragedy is far worse, open a clenched fist: there is nothing there. He has nothing to give.

(Bukaspalad)To be sower of seeds, a person must open his hands. (Bukas-kamay as offer) He must do this, clearly, before he can reap. And the process doesn’t stop there. (Taas Kamay) To possess knowledge or wisdom, one has to have an open mind to receive it. (Bukas-Kamay sa Dibdib) To be loved, one has to love first. (Bukas-Kamay sa Puso)

My first assignment after ordination was actually a return to Xavier University. There in the middle of the main campus is the Chapel of the Immaculate Conception. One day, a little boy and her mother visited the church early morning when the rays of the rising sun penetrated the colored glass windows. The boy pointed at the figures of the stain glass windows, and asked his mother who they were. The mother said, that they were saints.

The boy asked, “What are saints?” His mother replied, they are people who let the light of God shine in their lives, and thus they live happy and grateful all their lives.

I have met many of these modern-day saints in Payatas Dos when we were constructing our small chapel. Fr. RB has seen that chapel. I still remember the glow in their eyes and the excitement they had even when they were sitting on the floor for mass. We have so much to be thankful for. Are you happy and excited to see the final result of our chapel, the central facility and symbol of the Ateneo’s Mission and Identity?

As we see the renovation of our chapel taking shape day by day, let us look into our hearts and pray for gratitude. As it is being constructed, let us also rebuild our lives according to the saints. St. Ignatius of Loyola in his book, the Spiritual Exercises, once said, that the beginning of virtue is gratitude.

We become saints when we smile with gratitude all the time. Today we thank our every day saints, our teachers and staff. Let us therefore begin greeting each other, “Happy All Saints Day!” not just today but everyday especially our teachers and staff to remind us that we have to be happy, like saints, everyday. “Happy All Saints Day!” everyday!

Labels: , , , , , , ,

Tuesday, October 18, 2011

Tumanggi Ka Na Ba sa Paanya ng Hari?


ika-9 ng Oktubre 2011 Ika-28 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Isaiah 25: 6-10; Psalm 23: 1-6; Phil 4: 12-14, 19-20; Matthew 22: 1-14


Isang pagdiriwang ang handaan. Sa hapag-kainan, magkakasama ang magkakapamilya’t magkakaibigan. Pinapalagay sa isang handaan na may halaga sa nagdiriwang ang lahat nang imbitado. Sa pamamagitan ng pagdalo, pinapanday ng nag-anyaya at inanyayahan ang kanilang ugnayan.

Sa hagdan ng halaga ng pagdiriwang, ang kasalan ay isang higit na pinagsasaluhan. Hanggang ngayon, pinaghahandaan ang isang kasalan. Matagal bago dumating ang pinaaasam-asam na araw, pinapadala na ang imbitasyon sa mga panauhin. Kaya naman inaasahan na ilalaan na nila ang araw para sa okasyong ito. Sa panahon ni Hesus, hindi nakatakda ang oras ng pagdiriwang dahil inaasahan ng punong abala, na nakalaan na ang buong araw. Kaya naman sa talinghaga sa ebanghelio, pinatawag na ng hari ang mga panauhin noong handa na ang lahat. Kumbaga, nakalapag na ang pagkain, simula na ang pagdiriwang!

Sa kasawingpalad, tinanggihan ng mga panauhin ang paanyayang ito. Sa ibang pagbasa, nagbigay ng samu’t saring dahilan ang mga inanyayahan. Simple lamang ang punto: mas mahalaga ang pinagkakaabalahan kaysa ang kasalan. Maaari ring tingnan ito bilang isang pagpapahiwatig na hindi magkasing-halaga ang ugnayan nila sa hari kaysa sa kanilang mga gawain.

Sa totoong buhay, may mga tumatanggi sa paanyaya ng Panginoon. Bagaman karamihan ay nagsasabing hindi nila hihindi-an ang Panginoon, hindi ito nagaganap kapag panahon nang tumugon sa Kanya. Sa talinhaga ni Hesus, ang mga tumanggi sa alok ng Panginoon ay ang mismong mga Hudyo. Nasa gitna na ang Mesiyas, ngunit hindi nila tinanggap Siya; kahit na sila ang pinili ng Diyos. Kaya naman, inalok sa mga Hentil at binuksan ang pintuan ng langit para sa lahat. Sinuyod ng Panginoon ang kasuluk-sulukan ng sanlibutan. Ibig sabihin, ang paanyayang makibahagi sa hapag ng Panginoon ay inaabot sa ating lahat, maging sino o ano pa man ang ating mga katayuan sa buhay.

Subalit, mayroon pa rin tayong kakayahang tumanggi. Malaya tayong hindi-an o tugunan ang paanyayang ito. Sa kahuli-hulihan, walang magagawa ang Panginoon sa taong ayaw sa biyaya Niya. Marahil naisip natin: Sino ba ang tatanggi sa Panginoon? Sa totoong buhay, marami. Kahit sa ating sarili, marami tayong pagtatanggi sa Kanya na nasusukat sa katapatan ng ating mga dasal. May kuwento ako:

Si Aling Nena ay 60-taong gulang. Araw-araw, pumupunta siya sa Simbahan upang taimtim na manalangin. Isang usiserong bata ang nakakita kay Aling Nena. Nais niyang malaman kung ano ang pinagdarasal ng matanda, kaya sinundan niya ito sa Simbahan at nagtago sa isang pader na malapit sa luhuran.

Wika ni Aling Nena, “Panginoon, matanda na ako. Sapat na ang aking buhay. Nakatapos na at may kanya-kanyang buhay ang aking mga anak. Maaari na akong mamayapa.” Araw-araw naririnig ito ng bata. Kaya nagpasya siyang sagutin ang panalangin ng matanda, “Aling Nena, narinig ko ang iyong mga dasal. Bukas na bukas din, kukunin na kita bandang alas-tres ng hapon.” Nabagabag at natakot si Aling Nena. Hindi siya makatulog nung gabing iyon.

Marami tayong mga panalanging hindi tapat sa ating puso. Pinagdadasal natin ang kapatawaran, pero nananaig pa rin sa pinaka-ilalim ng ating sarili ang pag-ayaw sa pakikipagkasundo. Pinagdadasal natin ang kapayapaan sa ating pag-iisip, ngunit ayaw nating gumawa ng hakbang upang batiin ang taong sanhi ng ating sama ng loob.

Ngunit alam nating makakamtan ang kapayapaan sa sarili kung bubuksan natin ang puso sa anyaya ng Panginoon na magpatawad. Ilang beses na ba tayong nagdasal sa misa ukol sa pagbubuklod ng lahat, ngunit tayo mismo ang sanhi ng pagkawatak-watak? Ang kapayapaan at pagkakaisa ay dalawa lamang sa maraming biyayang nakakamtan sa hapag ng Panginoon.

Pagdasal natin na maging tapat tayo sa ating mga salita, at higit sa lahat, kapag panahon nang lumahok sa hapag ng Panginoon, hindi natin tatanggihan ang kanyang paanyaya.

Labels: , , , , ,

Friday, August 26, 2011

When We Always Say Tomorrow!


25 August 2011 Thursday of the 21st Week in Ordinary Time
1 Thessalonians 3:7-13; Psalm 90; Matthew 24:42-51

Time is an important element in the Gospel today. But it tells us the value of the present time, in view of the uncertain future. The time to prepare is now because we do not know what will happen in the future.

There is a story of three apprentice little devils who laid out their individual plans to destroy humanity. They presented the plans to Satan.

The first devil said that his plan was devious especially to the Enemy. “I will announce to everyone that there is no God!” he said to Satan.

Satan said, “Well, some will believe you, but many won’t. They know God is alive.”

The second devil said that his plan is more scheming. “I will announce to everyone that there is no hell!” Satan was not pleased. He said, “Despite the attraction that they can do anything they want, some will believe you, but many won’t. They know that if they do what is immoral, their lives will be like hell.”

The third devil said that his plan is deceptive. “I will announce to everyone that there is ALWAYS time!”

Satan, suddenly lighted up and said, “Go, go right away! You will convert millions!”

The person who always thinks that there is always time will keep on procrastinating. But there are things that we cannot put off the next day. There are things that has to be done now, before the hour when there is no tomorrow for us.

In an emergency, the doctor who gives a correct diagnosis in a split second, took years of study. On stage, the artist who performs excellently in a two-hour show, practiced even without inspiration. Parents who raised their children well, have formed them every single moment. Students who get high marks have studied long before the hour.

Our defining moment is a result of daily and regular preparation.

Labels: , , , , , ,

Saturday, June 11, 2011

Sumisidhi ba sa Iyo ang Hangarin ng Kapayapaan?


12 Hunyo 2011. Araw ng Pentekostes
Acts 2:1-11; Salmo 104; 1 Cor 12:3-13; Juan 20:19-23

Note: This article appears in Sambuhay missalette today. Sambuhay is a publication of the Society of St. Paul in the Philippines.

Bumubukal ba sa iyo ang hangarin ng kapayapaan kapag may alitan? O kaya sumisidhi ang mithiin ng pagbabalik-loob sa Diyos kapag may nagawang pagkakamali? Tumitindi ba ang pagnanasang maliwanagan kapag may hindi maunawaan at di napapawi ang paghahanap ng kasagutan sa gitna ng maraming katanungan? Lumalakas ba ang katok sa iyong pusong manalangin sa gitna ng maraming pagsubok na walang naaninag na pag-asa? Kung naramdaman---o nararamdaman---ninyo ito, naranasan ninyo ang Espiritu Santo. Ang Espiritung ito ang siyang pinagdiriwang natin sa Linggo ng Pentecostes.

Matagal nang pinagdiriwang ng mga Hudyo ang Pentecostes. Sinimulan ito bilang pasasalamat sa biyaya ng ani, kung saan iniaalay nila ang unang bunga ng kanilang mga kamay. Pagkatapos, naging tradisyon ito bilang pagaalaala sa pagbibigay ng Sampung Utos kay Moises. Pentecostes, ibig sabihing ika-50 araw, ang tawag ng mga Griyego sa pagdiriwang ng mga Hudyo sa tinatawag na Feast of Weeks, ang pagdiriwang ng ani pagkatapos ng limampung-araw mula sa Passover o Feast of the Unleavened Bread. Ayon sa Gawa 2:1-11 (kasama din Gawa 20:16 at 1 Cor 16:18), nananahan ang Espiritu Santo sa mga alagad ni Hesus sa araw na ito. Ito ang katuparan ng pangako ng Panginoong Hesukristo sa kanila.

Ngunit hindi nagbago ang diwa ng pagdiriwang. Ang bunga ng ani, ang pagbibigay ng Sampung Utos, at pananahan ng Espiritu Santo ay mga karanasan ng pagdalaw ng Diyos sa tao sa lupa. Isang tunay na biyaya. At dahil dito, ang pagdiriwang natin ay isang pagpapaalala na ang Espiritu ay tunay na nasa ating lahat, nararanasan sa mga hangarin ng kapayapaan sa gitna ng alitan, liwanag sa kadiliman, pag-asa sa kawalan, pagbabalik-loob sa pagkasuwail, pagkakabuo sa pagkawatak-watak.

Pinapaalala ang halaga nito sa ating pananampalataya dahil laging nakakaligtaan ang Espiritu Santo, or kaya hindi natin ito napapansin. Sa tatlong mahahalagang pagdiriwang sa Liturhiya ng Simbahan, hindi natin makikita ang dagsa-dagsang nagsisimba sa Araw ng Pasko at Muling Pagkabuhay.

Sa Tore ng Babel, narinig natin ang pagkawatak-watak ng mga tao dahil sa kawalan ng pagkaunawaan dahil sa iba't ibang dila (Gen. 11:1-9). Kaya sa Pentecostes, ipinadala ng Panginoon ang iisang Espiritu upang buuin ang nagkalat sa pamamagitan ng pagkakaunawaan sa gitna ng maraming pananalita, o pagkakaisa sa gitna ng maraming angking kakayahan. Nararamdaman ito sa diwa ng bayanihan lalu na sa oras ng malaking trahedya.

Kumikidlat at kumukulog nang ibinigay ng Panginoon ang Sampung Utos kay Moises (Ex 19:3-8, 16-20). Kaya sa Araw na ito, pinahihiwatig ng pananahan ng Espiritu sa atin, ang bagong daan tungo sa Panginoon. Ang Utos ng Diyos ay hindi lamang nakasulat kundi nakaukit na sa ating puso; nararamdaman kapag tumindi ang hangaring ituwid ang nagawang pagkakamali.

Ipinadala ng Panginoon ang Propeta Ezekiel sa lambak ng kamatayan upang bigyang buhay ang mga kalansay (Ezekiel 37:1-14). At dahil dito, ang Espiritu Santo ang magbibigay panibagong sigla sa bahagi ng ating buhay na nawalan na ng kulay. Nararanasan natin ito kapag nakapagbibigay tayo ng pag-asa lalu na sa mga walang kumakalinga o walang kinabukasang natatanaw. Hindi daw natin maiibibigay ang wala sa atin. At dahil ang Diyos ng pag-asa ay nasa atin, maaari nating paliyabin ang pag-asa na nasa iba.

Higit sa lahat, nakakapagdasal lamang tayo sa kapangyarihan ng Espiritu ng Diyos. Dahil sa pananahan ng Espiritu, nakikilala natin ang Diyos. May isinulat si C.S. Lewis upang maunawaan ito. Kung ibig mong malaman ang bato, kailangan mo itong lapitan. Hindi ito kusang lalapit sa iyo. Kung nais mong makilala ang isang tao, at ayaw niya ito, hindi natin siya tunay na makikilala. Kailangang may pagkukusa din siya. Ganoon din ang Diyos: Siya ang nagkusang makilala natin Siya, at tunay ngang nagpakilala Siya sa atin kay Hesukristo. Ang pananahan ng Espiritu ang siyang pagkukusa ng Panginoon upang makilala at makita natin siyang gumagalaw sa ating kasaysayan at pangaraw-araw na buhay. Ang bawat namumutawi sa ating mga labi sa pagsamba sa Diyos ay galing mismi sa Diyos. Ayon kay San Pablo, walang makakapagsabi na Panginoon si Hesukristo kundi sa pamamagitan ng Espiritu Santo (1 Cor 12:3).

Lalu na sa ating pagdiriwang ng ating kasarinlan o Independence Day, binabaling natin ang ating panalangin at pagtingin sa Espiritu Santo upang alalahanin ang responsibilidad ng lahat palaguin ang ating buhay ayon sa liwanag ng Panginoon. Ipagdasal natin na maging tunay na daan tayo ng kapayapaang dulot ng pagkakabuo sa iisang Espiritu.

Labels: , , , , , , , ,