Para sa Trolls at Haters







Do you have trolls and haters? I have. A lot! Here's how to deal with them: be like the grapes. :D Please forward to your haters, and then block them. :D



Here's the script of my episode.



May mga naninirang-puri ba sa iyo? Sa social media, tinatawag natin silang trolls or haters. Ano ang maaaring gawin sa mga walang magawa kundi siraan ang buhay nang may buhay? Meron akong kuwento. May isang alamid na nagawi sa isang ubasan. Nakita niyang hitik sa hinog na bunga ang mga sanga nito.

Lumapit siya sa mga puno ng ubas at sinubukang abutin ang mga bunga. Ngunit kahit anong
gawin niya, hindi niya maabot ang matatamis na ubas. Napagod siya sa katagalan. Kaya lalung tumindi ang kanyang gutom. Wala siyang makuhang ubas. Kaya sabi niya sa mga ubas, “Bakit ko kayo paggugugulan ng panahon, ang aasim niyo naman!” Ngunit kahit anong sabihin ng alamid, nanatiling hitik at siksik sa tamis ang mga ubas.

Sa katotohanan, ang pag-uugali ng alamid ang tunay na umasim. Mga kapamilya, tandaan: Laging may kokontra sa atin anuman ang gawin natin. Kahit ang Santo Papa natin o mismong si Kristo ay hindi ligtas sa mga haters, tayo pa kaya? Huwag natin silang hayaang sirain ang
mabuti nating ginagawa. Ipagdasal nating lalung lumago at tumamis ang ating magagandang bungang nakaugat sa Diyos. 

No comments: