Paanong Magbigay ng Halimbawa sa mga Bata







A good story on giving examples for values to be embedded in the life of our children. Hope you like this episode.





Paano ba magpakita ng mabuting halimbawa sa ating mga kabataan – o kahit sa hindi na
kasing bata? Meron po akong kuwento. Pinagmamasdan ng Tatang Alimango si
Pedrito, isang batang alimango na naglalakad sa tabing-dagat. Naglalakad si
Pedrito nang patagilid, gamit ang kanyang mga maliliit na paa.

Pinagtawanan ni Tatang Alimango ang paglalakad na ito ni Pedrito. Wika Tatang, “Saan ka ba
pupunta?” “Doon po sa maraming bato kung saan nandoon ang aking mga kapatid,”
tugon ni Pedrito. Sabi ng matandang alimango, “Paano ka makakapunta doon kung
patagilid ang iyong paglalakad? Dapat tuwid at diretso upang makarating ka sa
iyong paroroonan!” Walang magawa si Pedrito, iyon lang ang paraan ng paglalakad
na alam niya. Kaya, hinayaan na lamang nito ang tawa ng matandang alimango.

Pagkaalis ni Pedrito, umahon si Tatang at naglakad nang patagilid! Mga kapamilya, kung nais nating maisabuhay ng mga bata ang ating mga tinuturong mabubuting asal, kailangan din
nilang makita itong ginagawa sa ating buhay. Pagdasal natin na ang namumutawi
sa ating bibig ang siya ring nakikita sa ating gawain. 

No comments: