18 Mayo 2010. Martes ng ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Acts 20, 17-27; Psalm 68; John 17, 1-11
Ayon kay Hesus ang makilala ang tanging totoong Diyos at si Hesukristong sinugo ang tunay na buhay magpakailanman. Dahil dito hindi isang lugar ang langit, kundi isang kalagayan: kung nasaan at nakikita natin ang Diyos, nasa langit tayo. Madali itong maunawaan kung titingnan natin ang ating mga pagkakaibigan. Sinasabi ng magkasintahan, “Nasa langit ako kapag kasama ko siya!” Hindi nakabase sa lugar ang langit kundi sa taong kasama nito. Kung wala ang iniirog, wala ring langit.
Natitikman natin ang kaluwalhatian kapag nakikilala natin sa puso ang Maykapal. Habang lumalalim ang ating pananampalataya at pag-aaral sa Bibliya upang makilala si Hesus, nalalasahan na natin ang langit. Ayon sa “Ama Namin”, kapag sinusunod natin ang kalooban ng Diyos dito sa lupa para nang sa langit, nagaganap ang Kaharian ng Diyos.
No comments:
Post a Comment