Acts 22:30- 23:6-11; Psalm 16; John 17, 20-26
Ang pagkakaisa nating lahat ang tanging hangarin ni Hesus sa kanyang panalangin sa Ama. Ang pagkakaisang ito nakabatay sa pagiging isa ni Hesus at ng kanyang Ama. At pag-ibig ang nagbibigkis sa kanila. Pag-ibig lamang ang tanging makakabigkis sa ating may iba’t ibang pinanggalingan, pinagkakaabalahan, at pag-uugali.
Magkakaiba tayong lahat. May kanya-kanyang pananaw at kultura ang bawat tao. Kadalasan, sanhi ito ng pagkawatak-watak at paghihiwalay. Ngunit, sa kabila ng pagkakaiba, nananatiling iisa tayong lahat sa pag-ibig ng Panginoon. At dahil dito, wika ni San Pablo, walang makakapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos. Magkaroon man tayo ng iba’t ibang paraan ng pagsamba o pagsasakatuparan sa utos ng Diyos ayon sa ating personalidad at pagkakilanlan, iisa ang ating hinangad: na manatili tayo sa pagmamahal ng Maykapal.
Mauunawaan natin ang pagkakaiba at pagkakaisa nating lahat sa video na ito:
No comments:
Post a Comment