Hangang Saan Kaya Mong Patunayan ang Pag-ibig?

21 Mayo 2010. Biyernes sa ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Acts 25,13-21; Psalm 103; John 21, 15-19


Pangatlong beses tinanong si Pedro kung mahal niya si Hesus, at pangatlong tinugon ni Pedro ang bawat tanong na mahal din niya si Hesus. Ayon sa mga teologo, ito raw ang kapalit sa pangatlong pagtakwil ni Pedro. Dahil dito, handa nang itagubilin ni Hesus ang kanyang mga kawan sa pamumuno ni Pedro. Ngunit isang babala ang iniwan ni Hesus kay Pedro. Sa kanyang pagsunod kay Hesus, ididipa niya ang kanyang kamay ngunit iba ang magbibigkis sa kanya na hindi niya nais. Ang tanda ng kamatayan ang siyang tanda ng pagsunod kay Hesus.

Kasama ang krus sa pagsunod kay Hesus. Mapapatunay ang ating sinumpang pagmamahal sa Diyos sa pamamamagitan ng kusang pagbubuhat ng sarili nating krus sa buhay. Halimbawa, kung hangad nating maka-ahon sa hirap, handa rin ba tayong magtiis at maghanap-buhay?

No comments: