Proper Feast in the Philippines: 2nd Sunday in Ordinary Time
Isaiah 9, 1-6; Psalm 97; Ephesians 1, 3-18; Mark 10, 13-16
Note: English version below: in previous post.
Pinagdiriwang natin ngayon ang kapistahan ng Sto. Nino. Sa kapistahang ito, nagpupunyagi tayo sa Panginoon bilang pasasalamat sa ating pananampalatayang Kristiyano: ang debosyon sa Sto. Nino ay isang pagbabalik-tanaw sa unang pagdating ng Kristiyanismo sa ating bansa. Ngunit sa bawat pagbabalik-tanaw sa nakaraan, mainam na makita ito sa tamang konteksto.
Kailangan nating lahat na makita na si Kristo ay hindi na bata. Lumaki na siya. Nagsimula ang kanyang paglilingkod sa publiko nang siya ay 30 years old. At dahil hindi na siya bata, ano ang kahulugan ng ating debosyon sa Sto. Nino? Ano ang tamang paraan na pagpapakita ng ating debosyon --- o pagmamahal --- sa ating Panginoong Hesukristo.
Unang-una, makikita ito sa sayaw ng Sinulog. Ang steps ng sayaw sa Sinulog ay dalawang hakbang pa-sulong, at isang hakbang pa-atras. Two steps forward, one step backward. Though now you have different styles. See video.
Two-steps forward. Sa tuwing annibersaryo tinitingnan natin ang ating pag-unlad, our progress. Sa mga wedding anniversaries: ano na ang ating narating mula nang tayo’y pinagtaling-puso? Ano na ang naabot ng ating mga pangarap? Umunlad ba tayo sa ating buhay? Lumago ba ang ating mga negosyo? Lumalapit na ba tayo sa katuparan ng ating mga pangarap? Lumalalim na ba ang ating pagmamahalan?
One step backwards. Ang debosyon sa Sto. Nino ay isang pagbabalik-tanaw sa nakaraan: sa unang pagdating ng Kristiyano sa Pilipinas. Nagbubunyi tayo dahil isa itong napakalaking biyaya ng Diyos sa atin. Sabi nga ni Fr. Horacio de la Costa SJ na ang tanging yaman ng mga Pinoy ay ang musika at ang pananampalataya. Totoo: ang pananampalataya natin noon ay bata pa, nasa murang edad pa. Ang tanong: hanggang ngayon ba, bata pa rin ba ang ating pananampalataya? At dahil dito, tinitingnan natin kung tapat pa rin ba tayo sa pananampalatayang ito?
Ngunit, itong two-steps forward at one-step backwards ay hindi magkahiwalay. Ito ay isang sayaw. Alam mo dapat kung kailan hahakbang pa-una, o kailan hahakbang pa-balik. Ito dapat ang buhay nating mga Kristiyano: umuunlad at umuusbong at lumalago; ngunit natututong magbalik-tanaw, mag-retreat para makita ang pinatutunguhan ng ating buhay --- may mga hakbang tayo na parang pa-unlad, pero ang katotohanan pala ay, sabi nila, lumalaking pa-urong.
Ang debosyon ng Sto. Nino ay isang pagre-respeto ng proseso ng paglaki, ng paglago. Isang pagtanggap na ang pag-unlad sa ating buhay ay hindi maaaring madaliin. Pinagpaplanuhan ito. Inaalagaan ang bawat tamang hakbang. Natututo tayo sa tamang pamumuhay at pakikitungo sa kapwa. Lumalalim ang ating pagmamahal sa Diyos.
The Gospel says that “the child continued to grow, increasing in wisdom.” Tuloy-tuloy ang paglaki ni Hesus; increasing in Wisdom.
Pangalawa, pinapahalagahan ng debosyon natin sa Sto. Nino ang mga katangian ng bata na ipinaalala ng Panginoon. Ang mga katangiang ito ang dapat nasa ating mga Kristiyano. Paalala: katangian ng bata, at hindi asal-bata. Childlike and not child-ish. Hindi ko na babangitin ang lahat ng katangiang ito. Iisa lamang, dahil tamang-tama sa panahon ng paghihirap, dahil sa tinatawag nating global recession. Hindi lamang ang Pilipinas ang makakaranas ng higit na pag-hihikahos, kundi ang marami pang mga bansa. Marami ang mawawalan ng trabaho. Maraming magugutom dahil maraming ekonomiyang babagsak.
Sa panahong ito, hinahamon tayong mga Pilipino na pag-isipan ang ating paraan ng pamumuhay o ang ating lifestyle. Pag-isipan ang mga tanging pangangailangan at iwasan ang mga luho sa buhay. Paanong makatipid. At sa kabila ng ating pag-hihirap, pinapaalala sa atin na sana hindi mawalan ng buhay ang ating diwa, sana matuto pa rin tayong ngumiti at magsaya.
Naalala ninyo ang inyong pagka-bata? Kahit anong nasa paligid ay maaari nating gawing laruan: bato, tsinelas, dahon, kahoy, atpb. Madali tayong mapasaya. Mababaw ang ating mga kasiyahan. Tawa lang tayo nang tawa. Hindi kailangan nating palakihin ang batang nag-iisip na kailangan ng mamahaling laruan upang maging masaya o sa mga video games na kailangang bumili ng token.
Kaya niyo pa bang sumaya sa mga laruang tumbang-preso, patintero, at piko? Sa jack stone at chinese garter? Sasaya ka pa ba sa laruang papel?
2 comments:
padre jboy!
i've been following your blog anonymously, twas very inspiring!
rev. axl
Tsong, thank you very much. It is great to know that what I do helps a lot.
Ingat ka.
Jboy SJ
Post a Comment