15 February 2009 6th Sunday in Ordinary Time
Lev 13, 1-2, 44-46; Psalm 32; 1 Cor 10, 31-11:1; Mark 1, 40-45
Let me put two things today: the Gospel readings and Valentines Day. So we talk about love. The Gospel talks about Jesus’ healing of a leper. During his time, a leper is ostracized by the community. It means that he has to leave all of his meaningful relationships. In many ways today, we still feel what many lepers felt before cure has been discovered. When He healed the leper, Jesus restored all the leper’s hurts and wounds --- physically, emotionally and socially. By His loving, He gave the leper new life.
Many things have changed in the course of our loving. We have a long history of heartbreaks, of rejections, and of being abandoned. We have our pasts: those people whom we met, we found, and we lost. And yet, despite all the changes in our hearts, one thing remains constant: that we are worthy of love, that we have been truly loved by God. We are made by the love of God, and thus it is our nature to love and to continually love. That is the reason why we wear red: the color of passion, the color of blood, the color of life itself. It is the color of the fire of the Holy Spirit, the Spirit of love. By wearing red, we tell everyone that as long as we live, we will nurture this fire in our hearts.
Those who love promises forever, promises to journey with each other to eternity. Kaya, banal ang lahat ng ating mga pangako: isang simbulo na nagpapahiwatig na meron mas mahalaga sa ating buhay, maliban sa atin. Ito’y isang misteryong bumubuhay ng isang katotohanang may ibang taong bumubuhay sa ating puso, sa ating kaluluwa; nagbibigay kahulugan at kulay sa ating mga pangarap. At sa bawat pangako, tulad ng lahat ng sumpaan, mayroon itong sariling panahon, sariling dahilan, at sariling kahulugan, na ang nakakaalam lamang ay ang mga nag-iibigan, ang magkaibigan, ang magka-ibigan.
Kailan tayo nangangako? Nangangako tayo sa bawat panahon ng ating buhay. Ang salitang paalam, nangangahulugang may pinapahiwatig, pina-paalam: na ang pagkakaibigan ay hindi napapawi sa paghihiwalay. At ang bawat paalam ay isang pangakong hindi mamamatay ang pag-ibig kailanman.
At bakit tayo nangangako? Dahil hindi maliwanag ang kinabukasan. Kaya mahalaga ang lahat ng alaala: ang mga litratong tinatago natin habang lumilipas ang panahon. Ang mga alaala ng unang tagpuan, ang unang halik, ang unang yakap. Ang alaala ng unang pangako at ng unang sumpaan. Ang mga alaalang nagbibigay ng pag-asa. Kaya tayo nangangako: sa pangako nagkakaroon ng pag-asa ang kinabukasan. Sinasabi natin, “huwag kang mag-aalala, ako na ang bahala sa iyo.” With another’s promise, the journey to eternity becomes real and true.
Nagiging posible mangako dahil may nanguna nang nangako: “Sasamahan kita magpakailanman.” Ito ang pangako ni Hesus sa atin. Ang kanyang pag-ibig ay kasama natin sa ating paglalakbay, hanggang matagpuan natin ang magpakailanman, ang langit. Hindi ba ito ang dahilan ng pag-sisimba. Ang misa ay isang alaala, a memorial, na bumubuhay sa atin, nagbibigay pag-asa.
When was the last time you loved forever? Kailan ang huling panahon na minahal mo ang magpakailanman? Being a Christian means loving forever, every day, every moment of our lives. And thus, if God is love, then love is who we are.
And so I believe this is how to celebrate Valentine’s Day: It is our nature that we remember the things that stay, that we remember in our hearts moments about love and the pain that goes with it. Carl Jung once said that what the heart hears are the great things that span our whole lives, the experiences which we do nothing to arrange, but which we ourselves suffer. And so when you go on a date today, talk about those heart experiences, those things that stay, those things that keep your relationship strong and unwavering. Celebrate the heart.
To end, let me share to you a poem by my bestfriend, Atty. Cerilo Rico Abelardo, who wrote it on Valentine’s Day.
Mangyari Lamang
Mangyari lamang ay tumayo
Ang mga nagmamahal
Nang makita ng lahat
Ang kagandahan ng mukha ng pag-ibig
Ipamalas ang tamis
Ng malalim na pagkakaunawaan
Sa mga malabo ang paningin.
Mangyari lamang ay tumayo rin
Ang mga nagmahal at nasawi
Nang makita ng lahat
Ang mga sugat ng isang bayani
Ipadama ang pait ng kabiguan
Habang ipinagbubunyi
Ang walang-katulad na kagitingan
Ng isang nagtaya.
Mangyari lamang ay tumayo
Ang mga nangangambang magmahal
Nang makita ng lahat
Ang kilos ng isang bata
Ipamalas ang katapatan ng damdamin
Na pilit ikinukubli
Ng pusong lumaki sa mga engkanto at diwata
Mangyari lamang ay tumayo
Ang mga nagmahal, minahal, at iniwan
Ngunit handa pa ring magmahal
Nang makita ng lahat
Ang yaman ng karanasan
Ipamalas ang mga katotohanang nasaksihan
Nang maging makahulugan
Ang mga paghagulhol sa dilim
At sa mga nananatiling nakaupo
Mangyari lamang ay dahan-dahang tumalilis papalabas
Sa nakangangang pinto
Umuwi na kayo
At sumbatan ang mga magulang
Na nagpalaki ng isang halimaw.
At sa lahat ng naiwang nakatayo
Mangyari lamang ay hagkan ang isa’t isa
At yakapin ang mga sugatan
Mabuhay tayong lahat
Na nagsisikap na makabalik sa ating pinagmulan
Manatiling masaya
At higit sa lahat magpatuloy
Sa pagmamahal.
3 comments:
nice post pow... nakaka inspire thx pow
maraming salamat.
Post a Comment