Jeremiah 23, 1-6; Psalm 22; Ephesians 2, 13-18; Mark 6, 30-34
Note: This Filipino version appears in today's Sunday Sambuhay, a publication by the Society of St. Paul; missalettes for the Sunday liturgy. The English version is above.
Sa kasaysayan ng mga Judio, ang pastol ang tinaguriang huwaran ng isang pinuno. Hindi madali ang pagpapastol noong mga panahon. Dinadala ng pastol ang mga kawan sa luntiang pastulan. Binabantayan niya ang bawat tupa at huwag hayaaang mawala at matangay ng mga mababangis na hayop. Sinisigurado niyang hindi mahalo ang kanyang kawan sa iba; kaya kilala niya ang bawat tupa at sumusunod naman sa kanyang tinig ang mga inaalagaan niya. Pagmamay-ari ng buong komunidad ang maraming kawan; kaya kung may isang tupang naliligaw, sinusuyod nito ang buong bundok upang hanapin ang nawawala. At kung natagpuan ang tupang naiwanan, nagdiriwang ang buong bayan.
Sa kabilang banda, kumakalat at nawawala ang kawan na walang nagpapastol. Naging mapagbaya at mapag-angkin ang mga pinuno ng Israel. Kaya sinabi ng Panginoon sa iba’t ibang propeta tulad ni Jeremias na paparusahan niya ang mga ito dahil wala silang masalakit sa kanilang nasasakupan. Dahil dito, binawi ng Panginoon sa namumuno ang kanilang kapangyarihan. Sa halip, pinili ng Panginoon ang iba’t ibang pastol tulad nina Moises at Haring David, upang ipunin muli ang nagkalat na tupa at ibalik sila sa piling ng Diyos.
Ngunit, hindi ito nagampanan nang maigi; hanggang sa pagdating ni Mesias. Sa pamamagitan ni Kristo ginampanan at pinaramdam ng Panginoon ang pagiging tunay na Pastol. Hindi lamang natugunan ni Kristo ang tindi ng pagkagutom ng mga tao sa Salita ng Diyos; ngunit ini-alay Niya ang kanyang buong sarili para sa kawan. Ang pag-aalay na ito ang naging kasukdul-sukdulan na halimbawa ng tunay na pamumuno at masigasig na paglilingkod. Sa kanyang pagkamatay at muling pagkabuhay, naibalik at naisariwa ni Kristo ang ating ugnayan sa Diyos.
Batid natin ang mga oras na ramdam natin ang ating pagkalito at pagkawala. Nalilito tayo kung hindi malinaw ang katotohanan. Sa pelikulang, Doubt, hindi mawari kung sino ang nagsasalita ng totoo. Dahil sa kuwentong pinalaganap ni Sr. Aloysius (Meryl Streep), pinagdududahan si Fr. Flynn (Philip Seymour Hoffman) na may relasyon sa kaisa-isang estudyanteng itim. Ganoon din ang maraming isyu sa diyaryo. Hindi na natin alam kung sino ang tama o mali. Tulad ng mga maraming pinuno noong panahon ng Lumang Tipan, maraming lider ang nagiging gahaman sa kapangyarihan at sa kayamanan. Kasabay sa mga isyung ito ang pagkawala ng mga taong gumiguia sa maraming mga batang naiiwan. Maraming mga magulang ang nakipagsapalaran sa ibang bansa; at hinahayaan na lamang magsarili ang kanilang mga anak. Kaya maraming mga bata ngayon ang pariwara at lumihis na ng landas. Isang malaking pangangailangan nating lahat ang isang mabuting pastol.
Habang umiinit ang nalalapit na eleksiyon, maaari nating isipin kung sino sa mga kandidato ang may malasakit sa bayan. Sino sa mga nagpabatid na tatakbo bilang pinuno ng bansa ang may katangian ng isang mabuting pastol? Nararapat nating tingnan ang mga isyung sanhi ng pagkawatak-watak natin, at tingnan kung sino ang makaka-ahon sa ating bansa sa kinatatayuan nito. Noong unang panahon, pinipili ng komunidad na may-ari ng kawan ang mga pastol. Pinili rin ng Diyos sa pamamagitan ng paglagay ng langis sa mga hinirang na hari. At gayon ding pinili tayo ng Diyos sa pamamagitan ng krismo sa ating ulo sa binyag. Dahil dito, isang banal na responsibilidad ng tunay na Kristiyano ang pumili ng karapat-dapat mamuno sa ating bansa --- batay sa kanilang katangiang maka-Diyos at maka-bayan, hindi sa malaking perang ini-aabot upang bilhin ang ating kaluluwa.

No comments:
Post a Comment