Malakias 3, 1-4, 23-24; Slm 24; Lukas 1, 57-66
Note: This post appears in today's Sambuhay, a publication of the Society of St. Paul. The English homily is the previous post. But it is not a translation of this post.
Ang pagsilang at pagpapangalan kay San Juan Bautista ang kuwento sa ebanghelio ngayong araw. Sa gitna nito ang iisang mensahe: ang kalooban ng Diyos ang pinakamahalaga sa lahat ng bagay. Maaaring matuto sa paraan ng pagpaplano ng Diyos.
Unang-una, malinaw na alam ng Diyos ang gusto niyang mangyari at walang makakahadlang nito. Walang makakapigil sa kalooban ng Diyos upang ipatupad niya ang binabalak na pagliligtas. Nang magduda si Zakarias o mawalan ng tiwala, hindi siya makapagsalita hangga’t matanggap at sundin niya ang utos ng Diyos. Hindi mahahadlangan ng ating mga kakulangan o ng ating mga kasalanan ang mithiin ng Diyos sa atin, gaano mang katigas ang ating puso.
Pangalawa, alam ng Panginoon kung papaano niya sisimulan. Kasama sa plano ng kaligtasan ng Panginoon ang isang sugong ipapadala upang ihanda ang daan ng Tagapagligtas. Ipapahayag niyang kailangang ituwid ang ating buhay sa pamamagitan ng pagsisisi at pagbabalik-loob sa Diyos. Sa pamamagitan ng kanyang ipinahahayag, dadalisayin niya ang mga makasalanan tulad ng “apoy sa bakal”, wika ng Propeta Malakai.
Pangatlo, alam ng Dios kung kanino niya ipagkakatiwala ang pagpapatupad nito. Kailangang nakaukit sa kanyang puso ang mithiin ng Diyos. Dahil dito, mahalaga na nakaugat sa puso ng Diyos ang puso ng kanyang mga magulang. Bagaman matanda na si Zakarias at baog si Elisabet, biniyayaan sila ng Panginoon ng pinaka-asam-asam nilang anak. Kahit nasa kanila na ang lahat tulad ng estado at kinalulugdan na angkan, nanatiling walang anak si Zakarias at Elisabet. Sa mata ng mga Hudyo, isang kamalasan ang kalagayan nila. Subalit sa mata ng Maykapal, karapatdapat ang mag-asawa dahil matuwid ang kanilang pamumuhay at malalim ang pagmamahal nila sa Kanya. Si Juan ang sagot sa kanilang pinakarurok na mithiin. Kaloob ng Diyos si Juan, at para sa mag-asawa, pinagpala sila ng Panginoon. Ito ang kahulugan ng pangalang, Juan.
Dito nakaugat ang kahalagahan ng pagpapangalan na noo’y isang malaking pagdiriwang. Binibigyan natin ang isang bagay ng pangalan dahil kung hindi ito makita, maiintindihan natin ang itinutukoy. Nagbibigay ng pagkakilanlan ang isang pangalan. Halimbawa, pagsinabi nating, “lapis” alam natin kung ano ang kailangan nating pansulat. Bagaman hindi tinutukoy ng ating pangalan ang lahat-lahat sa atin, ayon kay Elza Dinwiddie-Boyd, una tayong nakikilala sa ating pangalan. Maraming bata ang pinagtawanan dahil sa pangalang binigay sa kanila ng kanilang mga magulang. At dahil sila ang laging napapahiya, nagkakaroon sila ng isyu sa buhay. Sa mga pangyayaring nakaikot sa panganganak at pagpapangalan kay Juan, namangha ang lahat ngunit alam nilang “sumasakanya ang Panginoon.”
Kaya noong panahon, nakapangalan ang isang bata sa isang banal upang ipakita kung sino ang tunay na nagmamay-ari sa kanya. Ang buhay ng bawat santo ay halimbawa ng daan tungo sa Panginoon; isang huwaran ng pagka-maka-Diyos. Sa binyag, nakaukit sa ating pangalan ang ngalan ni Kristo. Bilang Kristiyano, pinapahayag natin na Siya lamang ang tinatangi ng ating buhay.
Nang pinangalan ni Zakarias ang kanyang anak, pinakita niya kung Sino ang pinakamahalaga sa kanyang buhay. Bilang “mapagpala ang Diyos”, kinilala niya ang katotohanang nakabalot sa pagkatao ni Juan. Dahil sa Diyos ipinangalan si Juan, pinakita ng mag-asawa ang kanilang utang-na-loob. Higit sa lahat, ibinalik niya ang kanyang pagtitiwala sa Diyos sa kanyang pagtalikod sa tradisyon. Hindi magkasing-halaga ang kalooban ng ating mga magulang o kaibigan sa kalooban ng Poong Maykapal. Dahil dumarating na ang kaligtasan, wika ng Salmo ngayong araw, lagi nating “itaas ang ating paningin sa Diyos.”

No comments:
Post a Comment