Nakatutok Ka ba sa Panginoon?

18 Abril 2010. Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Acts 5, 27-41; Psalm 30; Rev 5, 11-14; Jn 21, 1-19


Note: This article appears in Pandesal 2010, the Bible Diary of Claretian Publication.

Nang bumalik sa Dagat ng Tiberias ang mga alagad upang mangisda, nakilala si Hesus ng alagad na mahal Niya. At nang marinig ni Pedro ang sigaw ng alagad, agad-agad siyang pumunta sa pampang. Nang pinagbawalan ng mga pinuno ng Sanhedrin na itigil ang pagtuturo nila ukol kay Hesus, sinagot sila ni Pedro na Diyos lamang ang dapat sundin kaysa tao. Nakatutok lamang ang ating mga mata sa Diyos.

Ngunit alam nating hindi madali ang pagtutok natin sa Diyos. Maraming umaagaw sa ating pansin. Marami tayong nakikitang nakaka-akit; mga naririnig na mas pinaguukulan natin ng panahon. Sari-saring damdamin ang nagiging hadlang upang makapagdasal. Ngunit may mga taong tumutulong upang hindi natin nakakalimutan ang Diyos sa ating mga buhay. Sila ang mga nag-iimbita sa atin upang sumali sa mga gawaing espirituwal. Pinapaalala nila sa atin na Diyos lamang ang ating susundin at walang makakapigil nito sa atin.

No comments: