May Kabigkis Ka Ba?

6 Hunyo 2010. Katawan at Dugo ni Kristo. Ika-10 Linggo ng Taon
Gen 14, 18-20; 1 Cor 11, 23-26; Lucas 9, 11b-17

May kaugnayan ang nagbabahagi sa isang tinapay sa hapag-kainan. Isang pamilyang magkasalo sa inihandang almusal. Isang barkadang magkasamang naghahati-hati sa pananghalian. Isang magkasintahang nagsasalo sa inorder na pagkain. Magkakaugnay ang nagsasalo-salo sa iisang handaan. At nagbubuklod sa kanila ang pagibig sa isa’t isa o sa taong sanhi ng kanilang pagdiriwang. Dahil dito, isang komunidad ang nagbabahagi ng katawan at dugo ni Kristo sa misa. Magkakapatid tayong lahat dahil iisa lamang ang ating Ama.

Maaaring pagnilayan natin ngayon ang ating mga pag-uugali ukol sa pagbibigkis. May mga ginagawa ba tayong nagiging sanhi ng away at hindi pagkakasundo tulad ng panlilibak, mapagpuna o paninira sa iba? May mga ginagawa na rin ba tayong nakakatulong sa pagpapanday ng komunidad tulad ng pagpapahalaga at pagkilala sa kahusayan ng iba?

2 comments:

Marie said...

Haha, I'm usually the receiver of that, Father. I fed them, I clothed them, I gave them jobs, and place to stay. They still manage to steal, fool, betray, complain and back bite me.

Such is people. I never allow it to change my heart. I'm wiser now, but I still help people, right now I have new workers under me. Ganun talaga. Sige na lang. Bakit? Kahit anong loko nila, God continues to bless me. I am still standing strong. So I just praise God for all the blessings he gives me. Ang lakas ng paniniwala ko na ang aking tagumpay ay kagagawan ni Jesus. Uy, tagalog yan, Father.

Unknown said...

Wow, such sacrifice! Yes, of course, it doesn't come all roses.

But we need good people.

Jboy SJ