2 Tim 1, 1-12; Psalm 123; Mark 12, 18-27
Ano ang ating ugnayan sa kabilang-buhay? Wika ni Hesus: “Sa muling pagkabuhay, hindi na mag-aasawa ang lalaki o babae kundi para na silang mga anghel sa langit.” Ibig sabihin, magiging magkapatid at magkaibigan ang dati nating magulang, nakakatanda at ninuno. Hindi na tayo sakop ng panahon. Magbibigkis sa ating ugnayan ang pagmamahal sa isa’t isa, sa ilalim ng walang-hanggang pag-ibig ng Diyos. Dahil iisa lamang ang hantungan ng ating buhay: na makasama natin muli ang ating mga minamahal na yumao na.
Pinahahalagahan ng paniniwala sa kabilang-buhay ang ginagawa natin sa kasalukuyan bilang paghahanda sa kinabukasan. Dahil sa paniniwalang ito, nagkakaroon ng kahulugan at hantungan ang ating buhay. Higit sa lahat, hindi natin isasantabi ang ating pag-asa at pangarap na magkaroon ng matuwid na buhay.

No comments:
Post a Comment