2 Pt 3, 12-18; Psalm 90; Mark 12, 13-17
Tulad ng denarius na ginamit ng mga taong nasasakop ng Roma, sinasagisag ng salaping Pilipino ang ating bansa. Dahil dito, sinusunod ng mabuting mamamayan ang batas ng bayan. Sa pamamagitan ng mga batas, nagkakaroon ng ayos ang ating lipunan, at nakikinabang tayo sa mga dulot ng kaayusang ito tulad ng seguridad at mapayapang pamumuhay. Dahil nakapirma sa ating salapi ang ating Pangulo, isinasaalang-alang nating mga Kristiyano ang ating mga obligasyon sa ating bansa bilang sukli sa mabuting pamumuhay.
Ngunit mahalaga ang bawat mamayan sa mata ng Diyos. Hinubog tayo na Kanyang kawangis. Higit na mataas pa sa batas ang bawat mamamayan, kaya may mga karapatang hindi maaaring ipagkait o abusuhin kahit mataas ang kanyang tungkulin sa pamahalaan. Hinuhubog ng ating pananampalataya ang bawat isa na maging tunay na mamamayang maka-Diyos at bayan.

No comments:
Post a Comment