Hosea 2, 16-22; Psalm 145; Matthew 9, 18-26
Note: Filipino reflections will be posted on Monday, Tuesday, Thursday and Saturday. English homilies will be published on Wednesday, Friday and Sunday. As requested and upon careful discernment. Would appreciate it very much if you retweet using the button at the end of the article and follow me on twitter. Thank you for your support.
Kapit sa patalim. Wala nang ibang mahingian ng tulong ang babaeng labindalawang taong inaagasan. Walang ibang matakbuhan ang pinuno dahil kamamatay pa lang ng kanyang anak, at naniwala siyang maaaring buhayin pa ni Hesus ang pinakamamahal. Pawang nakasadsad na sa lupa ang kanilang buhay. Sakit na wala nang gamot at katawang wala nang buhay. Si Hesus lamang ang tangi nilang pag-asa; Siya lamang ang nagbigay sa kanila ng panibagong buhay.
May piraso sa ating mga puso na wala nang kulay, tulad ng katawan ng babaeng inaagasan. May mga parte ng ating buhay na nawawalan na ng malay tulad ng anak ng pinuno sa Ebanghelio. Kadalasan, binabaling natin sa iba’t ibang bagay ang ating mga sarili. Akala natin magagamot ito ng iba’t ibang aliw. Ngunit nananatili ang kahungkagan sa ating puso; hindi napapawi ang lumbay sa ating kaluluwa; at nawawalan na ng gana ang ating diwa. Iisa lamang ang tanging gamot sa lahat ng ito. Ang Diyos, si Hesus lamang ang makakabigay lamang ng minimithing buhay. Pinapayagan ba nating hipuin ni Hesus ang ating mga puso?
No comments:
Post a Comment