17 July 2010 Saturday of the 15th Week in Ordinary Time
Micah 2, 1-5; Psalm 10; Matthew 12, 14-21
Nang maraming nagalit na Pariseo kay Hesus at pagtangkaan siyang patayin, umalis na lamang Siya at pinagpatuloy na lamang Niya ang kanyang misyon sa ibang lugar.
May tamang oras at panahon upang harapin ang mga tumutuligsa sa atin. May mga oras din na mas mabuting huwag na lamang komprontahin dahil maaaring walang kahihinatnan ang ating gagawin o mas lalung makakasira ito sa samahan sa bahay, barangay o pinagtatrabauhan. May mga oras din na mas mainam na iwasan na lamang sila, pagbutihan ang ating trabaho, gawin ang ating dapat na responsibilidad, at paghusayin ang ating paglilingkod. Ipagsa-Diyos na lamang ang paghihiganti.
Ang pagtitimpla sa tamang tugon sa isang sitwasyon ay isang hamon sa ating lahat. Hindi sa lahat ng panahon tama ang iisang pagtugon. Hindi puti at itim ang buhay; may iba’t iba itong kulay. May tamang panahon sa iba’t ibang klaseng tugon sa mga tumutuligsa sa atin. Kailangang isipin kung karapatdapat ba silang pag-aksayan ng panahon o hindi.
May kaibigan akong ganito ang kanyang prinsipiyo: The best revenge is to be happy. Sabi ko naman: The best revenge is to be better.
No comments:
Post a Comment