Subukang Tandaan ang mga Panahon ng Pagmamahal





Sa huling buwan bago ang pasukan, habang may panahon din para magnilay, meron akong proposal. Subukan nating tandaan ang mga panahon na nakaramdam tayo ng matindi o labis na pagmamahal. Ito ay maaaring galing sa ating tatay, anak, ate, kuya, girlfriend or boyfriend.

Bakit ito ang aking proposal? Kadalasang nauubos ang ating enerhiya sa iba’t ibang dahilan. Maraming pagod na sa pagtatrabaho; may mga mahina na ang kalooban pagkatapos dumaan sa mga pagsubok; at may iba ding wala nang gana sa buhay. At mas marami pang taong hungkag ang kalooban. Nawala na ang saysay sa buhay.

Sa pagkakataong ito, bubusugin natin ang ating kalooban ng mga alaalang hindi tayo nag-iisa; na may mga taong labis magmahal sa atin, lalo na ang Panginoon. Pakinggan natin siyang nagsasabi sa atin: “Mahil kita, ika’y mahalaga sa ‘king mga mata. Hindi kita iiwan kailanman. Huwag kang mangamba, magtiwala ka sa akin.”

No comments: