Bangkang Kahoy



Meron akong kuwentong narinig ko sa isa sa mga guro sa high school. May isang batang gumawa ng bangkang kahoy. Sa labis ng pagkagusto sa bangka, inukit niya ang kanyang pangalan sa ilalim nito. Araw-araw nilalaro niya ang bangka at habang tumatagal, sobrang itong napamahal sa kanya.

Isang araw, pinaanod niya ang bangka sa ilog. Wari niya, handa na ito sa agos ng ilog. Sa kasawimpalad, tinangay ng malakas na agos ang bangka, at nawala na ito sa kanyang paningin. Hinanap niya ito sa mga nagdaang araw, hanggang nakita niya ito sa isang tindahan. Ngunit ang hindi niya ito makuha, dahil mahal na ang presyo ng kanyang nilikhang bangka.

Wari niya sa sarili, mag-iipon siya ng pera hangga’t matubos niya ang bangka. Inipon niya ang kanyang pambaon sa eskuwela hangga’t natubos niya ang bangkang siya rin ang lumikha. Mga kapamilya, tayo ang bangkang-kahoy. Nilikha at minahal tayo ng Dios. Naka-ukit sa ating palad ang kanyang pangalan. Ngunit nawala din tayo, at upang tayo’y iligtas, ibinuwis niya ang kanyang buhay. Pagdasal nating suklian ito sa pamamagitan ng pagtulong mailigtas ang kapwa sa kahirapan o kaya’y sa pagkamangmang.

No comments: