May isang kwento tungkol kay San Jeronimo at ang batang Hesus: “Minsan, nagpakita umano ang batang Hesus kay San Jeronimo at sinabi sa kanya: “Jerome, ano ba ang handog mo sa akin?” At ang sagot ni Jerome, “Panginoon, ibinigay ko na ang lahat, maging ang buhay ko.”
At ang batang Hesus ay tumugon, “May isa pa na nais Ko?” “At ano ito” tanong ni Jerome. “Jerome,” wika ng Panginoon, “Ibigay mo sa akin ang Iyong mga kasalanan.” Mga kapamilya, ito ang pagkakataong pagnilayan ang mga kasalanan nating personal na nagiging malaki kapag nagtutulungan tayong panatilihin ito. Halimbawa, ang paglilingkod sa bayan napapalitan ng maduming pamumulitika at pangungurakot. Tila baga, tanggap na natin ito bilang kasama sa atin mismong kultura.
At kung bibigyan natin ng pagkakataong magnilay ng mas malalim, makikita natin na ating personal na kasalanan ay nakakasira sa ating mga relasyon tulad ng pamilya’t kaibigan. Kaya, hinihingi na rin ni Hesus ang mga ito upang itigil na. Sa ganitong paraan, higit at dalisay ang ating paglilingkod sa Kanya. Ipagdasal natin ang grasya na maunawaan ang kalikasan ng ating mga kasalanan at kung paano nito naaapektuhan ang kalidad ng pagmamahal natin sa iba.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment