Pahalagahan ang Maliliit na Hakbang





Makakatakbo ka ba ng higit sa isang daang metro? Isang kilometro? E, kung limang-libong kilometro? Palagay ko marami tayong magsasabing, “Hindi ko kaya. Mahirap yan.” At itatanong natin sa ating sarili kung may kakayahan ba tayong gawin ito.

Dahil kakatapos pa lang ng Olympics 2012 sa London, pupulot tayo ng aral sa mga manlalaro tulad ni Meseret Defar ng Ethiopia na nanalo sa 5,000-meter race. Bago pa man tumakbo ang atleta, inalay ni Meseret ang gagawin niya sa Dios at inilabas niya ang larawan ng Madonna and Child nung nakarating siya sa finish line.

Ngunit iba ang takbo sa buhay. Madalas hindi natin nakikita ang kasukdul-sukdulan ng ating buhay. Kaya, para hindi mawalan ng loob, kailangan nating tuparin ang mga maliliit na hakbang hangga’t makarating tayo sa paroroonan. Sabi nga, hinay-hinay pero kanunay. Slowly but consistent. Manalangin tayong laging makita si Hesus na kasama sa mahabang takbo ng ating buhay. 

No comments: