5 April 2006 Wednesday of the Fifth Week of Lent
John 8, 31-42
Note: I wrote this article for Simbahay, a Scriptural Diary published by St. Paul Publications.
"Kung mamamalagi kayo sa aking salita, totoong mga alagad ko kayo, at maiintindihan ninyo ang katotohanan, at palalayain kayo ng katotohanan."
PAGSASADIWA
May kasabihan tayo na kung ano ang puno, siya ang bunga. Pinapakita natin sa ating mga gawa ang tunay nating pagkakilanlan. Sa ebanghelio, sinasabi ng mga Judio na ang kanilang ninuno ay si Abraham. Ngunit, sinabi ni Jesus na hindi ito nakikita sa kanilang mga gawa. Nakikita ang ating pinanggalingan kapag tayo'y nagkakasala. Inaalipin tayo ng kasalanan: habang tumatagal mahirap tayong lumaya dito, at paulit-ulit itong ginagawa. Halimbawa, kapag nalulong na sa droga, mahirap na itong lumaya.
At kung sino man ang nagnanais na lumaya sa pagka-aliping ito, kailangang mamalagi sa katotohanan, ang Salita ni Kristo. Halimbawa, ang unang hakbang sa pagbabangon ay ang pagtanggap sa sarili, pagharap sa sariling katotohanan. At ano ang katotohanan? Na tayo ay mga anak ng Diyos at hindi bagay sa ating pagkatao ang kasalanan.
PAGSASABUHAY
1. Ano ang mga bagay na umaalipin sa akin?
2. Ano ang mga katotohanan na hindi ko matanggap sa aking sarili? Bakit?
No comments:
Post a Comment