6 April 2006, Thursday of the Fifth Week of Lent
John 8, 51-59
Note: I wrote this article for Simbahay, the Scriptural Diary of St. Pauls Publications
"Talagang-talaga sinasabi ko sa inyo, kung may nagsasakatuparan ng aking salita, hinding-hindi niya papansinin ang kamatayan magpakailanman."
PAGSASADIWA
Sa Ebanghelio ni Juan, paulit-ulit itong sinasabi ni Hesus: Ang sinumang sumampalataya sa Kanya ay magkakaroon ng buhay magpakailanman (Juan 3); ang sinumang nananalig sa Kanya ay nakatawid na mula sa kamatayan tungo sa buhay (Juan 5). Kaya sa lahat ng ginagawa, nais ng Diyos magbigay-buhay at ang pinaka-dakila nito ay ang Muling Pagkabuhay ni Kristo. Ito ang karanasan ng mga taong hindi pinapansin ang kamatayan: kapag nagkakasala, ito'y nagbabalik-loob sa Diyos; kapag nadapa, ito'y bumabangon muli; kapag nasaktan, ito'y nagpapatawad. Kahit ilang beses nagkasala, nadapa, nasaktan, patuloy nitong hindi pinapansin ang sugat, at muli itong umaasa.
PAGSASABUHAY
Balikan ang mga karanasan ng kamatayan: mga panahon ng kawalang-pag-asa, pagkadapa, labis na sama ng loob, etc. Ano ang mga binigay ng Diyos na dahilan o inspirasyon upang magkaroon ng lakas upang bumangon uli, magpatawad, at magpatuloy sa buhay?
No comments:
Post a Comment