Alin sa mga Mabubuting Gawa?

7 April 2006, Friday of the Fifth Week of Lent
John 10, 31-42

Note: I wrote this article for Simbahay, a Scripture Diary of St. Pauls Publications

"Maraming mabubuting gawa mula sa Ama ang itinuro ko sa inyo. Dahil sa alin sa mga ito at binabato n'yo ako."

PAGSASADIWA

Sa Piyesta ng Pagtatalaga sa Jerusalem (o Hannukah), tinanong ng mga Judio si Jesus kung siya nga ba ang Kristo. Sinagot ni Hesus na nagpapatunay ang kanyang mga gawa sa ngalan ng Ama sa kanyang tunay na pagkatao. At lahat ng kanyang ginagawa ay isang ganap na pagtalima sa Ama. Dahil dito makikilala natin siya kahit man lang sa kanyang mabubuting mga gawa.

PAGSASABUHAY

1. Nakikita ba natin ang kamay ng Diyos sa ating pang-araw-araw na buhay? O kaya'y nararamdaman ba natin ang Diyos bawat araw?

2. Madaling lumapit sa Diyos kapag tayo'y batbat ng paghihirap. Sa mga oras ng kasiyahan at biyaya, nakapagpapasalamat ba tayo sa kanya? Kung may utang na loob tayo sa ibang tao, may utang na loob ka rin ba sa Diyos?

3. Sa Piyesta ng Hannukah, pinagdiriwang ang muling itinalaga ni Judas Macabeo ang Templo sa Jerusalem pagkatapos lapastanganin ito ng mga Hentil, maaari din nating muling ibangon o italaga ang ating sarili sa Diyos. Maaaring gawin mo ito sa iyong simbahan, kapilya o sa harap ng altar sa bahay.

2 comments:

Anonymous said...

hi father jboy. :) thank you for this. right now, i'm in the brink of losing my little understanding or knowledge of God's love. but i'm never losing faith that He does love me because i try to see Him in everything i do each and every day. :) i miss you so much! :)

Unknown said...

Hi Cheenee,

Thank you very much!

Will see you one of these days. Are you all taking summer classes?

Do take care and rest assured of my prayers.