Deuteronomy 4, 32-34, 39-40, Rom 8, 14-17, Matthew 28, 16-20
Ang Misteryo ng Pag-ibig sa Pag-unawa sa Banal na Santatlo
Note: I used Filipino to explain the Trinity because I think the Filipino language is very poetic to articulate what is often a challenge to explain.
Pinagdiriwang natin ngayon ang Banal na Santatlo, Banal na Santisima Trinidad o “Holy Trinity Sunday”. Naniniwala tayong mga Katoliko sa Iisang Diyos sa tatlong banal na persona: God is one who is three Equal and Distinct Persons (Ama, Anak at
Unang-una, kailangan nating maunawaan ang kahulugan ng misteryo sa pag-uunawa ng ating Simbahan. Ang misterio ay isang hiwaga, kababalaghan, lihim at himala. Kapag sinabi natin na ang isang pangyayari ay isang misterio, sinasabi natin na hindi ito maipapaliwanag at isang kahangalan ang subukan itong unawain dahil hindi ito maaabot ng isip. Halimbawa: ang Sto. NiƱong sumasayaw, ang Birheng lumuluha ng dugo, at si Judiel na nagiging karne ang hostia sa kanyang bibig.
Ngunit ang misteryo sa Simbahan ay hindi isang himala. Kapag isang misterio, sinasabi ng Simbahan na ang katotohanang ito ay walang pagkaubos na kayamanan. In a mystery, there is more for us to know and to understand; the reality is inexhaustibly rich.
Isa sa mga misteryo ng ating buhay ay ang misterio ng pag-ibig. Marami nang naisulat na
Sonetong Hindi Kailangang Nasulat
ni Cerilo Rico Abelardo (1987)
Hindi kailangan na nariyan ka
pero nariyan ka nga at nakangiti pa
Hindi kailangan na kilala kita
pero heto at naguusap tayo
Hindi kailangan na ibigin ka
pero ikaw lagi ang laman ng aking alaala
Hindi kailangang ipagtapat ang damdaming ito
pero ipagtatapat ko dahil totoo
Hindi mo kailangang umoo
pero tumugon ka
May mga bagay na hindi kailangang narito
pero totoo at nasa harap ko
Kaya’t kailangang galangin
katulad ng pag-ibig ko sa ‘yo.
Samakatuwid, hinahamon tayo ng Banal na Santatlo na pagsikapan nating ipagpatuloy ang pag-uunawa sa ating pananampalataya. Dahil isang misterio ang pananampalataya, hinihimok tayong magtanong, magbasa, magmuni-muni sa mga bagay na hindi nating lubusang maunawaan upang lalung mapalalim ang ating pag-ibig sa Diyos. Masigasig na makibahagi sa mga bible studies, talks at katekismo. Sa Loyola School of Theology, binibigay ni Fr. Vic Salanga S.J. ang isang “Adult Catechism” sa mga nais maunawaan ang ating bibliya.
Pangalawa, sa misterio ng Banal sa Santatlo, masusulyapan natin ang isang katotohanang sa larangan ng pag-ibig: nagiging isa ang umiibig. Marami na ang nagsabi, na habang lumalalim ang pag-ibigan, ang dalawang nagmamahalan ay nagiging magkamukha. At habang mas malalim ang samahan, ang kanilang puso’t isipan ay nagiging isa. May mga mag-asawa akong kilala na alam nila kung may problema ang kanilang asawa, kahit hindi sinasabi. Basta alam nila. Kapag pupunta sa Department Store, alam nila kung ano ang magugustuhan ng kanilang asawa kahit hindi sabihin sa kanila. At ang pinakamalalim na pag-iibigan ay nakikita sa katahimikan: maaaring magsama na tahimik, walang kailangang sabihin, walang kailangang gawin.
Sa araw ng kasal, sinasabi ng magkasintahan: “Mabuting Ama, ngayon na kami ay magkadaupang palad, biyayaan mo kami ng isang magandang ugnayan na may isang puso at isang kaluluwa.” One heart. One spirit.
Samakatuwid, ang Banal na Santatlo ay nabubuklod ng pag-ibig, at nagbabahagi ng pag-ibig sa atin. Unang-una, bilang misterio, kailangang hindi tayo mawalan ng gana upang higit na makilala ang mga taong minamahal natin at ang ating pananampalataya. Sa gayon, higit na magaganap ang ating pagkabuklod at pagkaisa.
Pangalawa, upang lubusang makiisa sa misterio ng Banal na Santatlo, kailangan na ang ating pag-ibig ay kawangis ng pag-ibig at walang-hanggang katapatan ng pag-ibig ng Santatlo sa atin. Sa araw ng kasal, sinasabi ng magkasintahan pagkatapos isuot ang mga singsing: “Tanggapin mo Panginoon, itong mga singsing na tanda ng aming pag-iibigan. Nawa’y maging kawangis ng iyong pagibig at walang-hanggang katapatan ang pag-ibig namin sa isa’t isa.” Kaya, itanong natin sa ating sarili: Kawangis ba ng dakilang pag-ibig ng Banal na Santatlo ang ating pagmamahal?
*Mirador Jesuit Villa, Baguio City. 8-Day Province Retreat. May 2006.
No comments:
Post a Comment