3 Setyembre 2006: Ika-22 Linggo ng Karaniwang Panahon
Mark 7, 14-23: Ang Ating Mga Sinasabi
Note: Filipino version of this Sunday's homily. I had three masses in Filipino and one in English. The English is below.
Narinig natin sa Ebanghelio na pinagbintangan ang mga alagad ni Hesus na hindi naghugas ng kamay bago kumain, ayon sa utos ng kalinisan ng mga Judio. Sinagot sila ni Jesus, na hindi ang pumapasok sa bibig ang nakapagpaparumi sa mata ng Diyos, kundi ang nagmumula sa kanya. Sapagkat sa puso ng tao nanggagaling ang masama. Idinagdag ni Jesus ang sinabi ni Isaias, “Paggalang na handog sa akin ng bayan ko ay paimbabaw lamang, sapagka’t bibig at hindi sa puso ito bumubukal. May kuwento tayo ukol sa lumalabas sa ating bibig, ang binibigkas ng ating dila:
Isang pilosopo si
Kinabukasan, sinabi ni Xanthus sa kanyang katulong, “Bukas magkakaroon dito ng piging para sa aking mga kaibigan. Mamalengke ka ng pinakamasamang uulamin.” Pagdating ng oras ng kainan, nakita ni
Sa palagay ko, sinasabi ng ating mga pagbasa na tingnan ang kalagayan ng ating puso sa pamamagitan ng ating mga dila. Ang ating mga sinasabi ay nagpapakita ng mga bagay na nasa ating puso. At tama si Hesus, na lahat ng bahagi ng ating katawan --- kasama ang mga bibig --- ay sumusunod lamang sa laman ng ating puso. Sabi nila na ang ating dila lamang ang nagiging matalim sa patuloy na paggamit. Sabi ni Johann von Goethe na sanayin natin ang ating mga sarili araw-araw, na makinig sa isang awit, magbasa ng isang tula, pagmasdan ang isang magandang larawan, or kung maaari, magsalita ng may konting laman at katuturan. Hindi nakapagtataka, na ang dahilan kung bakit tinuturuan tayo ng panitikan ay upang sa pamamagitan din ng ating mga dila, sa pagbigkas sa mga sulatin ng mga magagaling na manunulat, matututo na rin ang ating puso na humangad ng kabutihan.
No comments:
Post a Comment