Feedback-Giving (Filipino TV5 Version)

7 September 2008 23rd Sunday in Ordinary Time
Matthew 18, 15-20 Paano Pagsasabihan ang Isang Ka-Ibigan

Note: This is the text of the TV5 Mass today.





Nagalit ka na ba sa isang kaibigan o ka-trabaho na gusto mong pag-sabihan? Sa lahat ng mga damdamin, ang pinakamahirap dalhin ay ang galit. At kadalasan, ang taong nakakasakit sa atin ay ang mga taong malapit sa ating mga puso. Ngunit, kasama sa ating pagmamalasakit sa kanila ang responsibilidad na baguhin ang anumang pag-uugali na hindi maganda. Paano nga ba natin silang pagsasabihan?

Unang-una, maghanap ng tamang pagkakataon. Maghanap ng oras na makakausap mo siya nang masinsinan para hindi siya mapahiya. Often it is good to give the feedback immediately so that the incident is fresh: madaling maalala. At pag-usapan lamang ang ginawa at hindi isang listahan ng mga pagkakamali.

Pangalawa, ilarawan ang ginawa at hindi husgahan ang tao. Give an objective description of the event. Focus on the behavior: “When you did this, I was hurt” (Nung sinabi mo ito, nasaktan ako!). Iwasan ang mga husgang: “Isensitive ka kasi” “LAGI mo itong ginagawa!” Sa halip, magbigay ng mga halimbawa. By doing this, you give the person the time to discuss the behavior with you. Kadalasan, may dahilan kung bakit nasasabi ang mga nakakasakit sa atin.

Pangatlo, concentrate on the behavior that can be changed or modified. Pagtuunan ng pansin ang maaring baguhin. Be realistic. Feedback is not right when the person has little or no control over the problem. Halimbawa, counseling o pagpapagamot sa ibang bansa, kung ang tao ay mahirap.

The point is this: we are responsible for each other. May pananagutan tayo sa pagpapakabanal o pagpapakabuting-tao ng ating kapwa.

Kung tayo man ay makipag-usap sa ating kapatiran, ito ay sa kadahilanan na nais nating mabigyang lunas ang mga hidwaan, sa halip na patunayan, kung sino ang tama o mali. Ang dahilan sa ating pagbibigay-payo ay dulot ng ating pagmamahal na siyang pinakita ng ating Panginoong Hesus.

No comments: