Ang Patunay ng Di Nakikita


11 Abril 2010. Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Acts 5, 12-16; Psalm 118; Revelation 1, 9-19; John 20, 19-31



Note: I have written short reflections in PANDESAL 2010, a Claretian Publication for the months of April, May and June. I will post these little reflections daily, so we have, if not in English, a reflection in Filipino. My apologies for those non-Filipino speakers. I will continue to post English homilies too.


Upang maniwala ang mga alagad na hindi Siya espiritu, ipinakita ni Hesus ang kanyang mga sugat sa kamay at paa. Sa isang larawan ni Michelangelo Merisi da Caravaggio, pininta nito si Tomas na nakatutok sa isang sugat sa tagiliran ni Hesus. Hinawakan ng isang kamay nito ang nakahiwang balat. Tinawag ang larawang ito na "The Incredulity of Saint Thomas".

May kasabihan na maniniwala lang tayo kapag nakita natin ito sa dalawa nating mata. Pinagdududahan natin ang mga bagay na hindi natin nahahawakan at nakikita. Ganito ang patunay ng agham. Ngunit maraming mga bagay ang hindi nakikita na tunay at totoo, parang hangin na di nakikita pero nararamdaman. Mahirap mapatunayan ang pag-asa, pag-ibig at pananampalataya, kundi sa mga taong isinabuhay at naranasan ito. Ito ang sinabing “witnessing”. Pinapatotoo natin ang halaga ng pag-ibig sa mga ginagawa natin sa ating minamahal. Pinapatunay natin ang pag-asa kapag hindi tayo nagpapatalo sa mga suliranin ng ating buhay.

No comments: