Kung Matigas ang Iyong Ulo

10 Abril 2010. Sabado ng Oktaba ng Pasko ng Pagkabuhay.
Acts 4, 13-21; Psalm 118; Mark 16, 9-15



Note: I have written short reflections in PANDESAL 2010, a Claretian Publication for the months of April, May and June. I will post these little reflections daily, so we have, if not in English, a reflection in Filipino. My apologies for those non-Filipino speakers. I will continue to post English homilies too.

Iba’t ibang kuwento ng pagpapakita ni Hesus ang naririnig ng mga alagad sa kanilang mga kasama. Ngunit, hindi madali silang naniwala dahil “matigas ang kanilang puso” kaya nagpakita si Hesus sa kanila. Kailangang lubusang kumbinsido ang mga alagad upang magawa nila ang kanilang misyong upang “pumunta sa buong daigdig at ipahayag ang ebanghelio sa buong sangkinapal.”

Kung susuyurin natin ang ating buhay, ilang beses na natin narinig ang mga kuwento ng pagliligtas ng Diyos sa mga pagbasa sa biblia. Ilang beses natin sinasabi sa ibang tao ang tindi ng ating pananampalataya sa Diyos. Subalit, nakikita sa ating mga gawa ang ating pagdududa o pagkukulang sa pananampalataya.

Anong bahagi sa ating pananampalataya ang may kadiliman at kailangan natin ang Panginoon upang bigyan ilaw ito?

No comments: