9 Abril 2010. Biyernes ng Oktaba ng Pasko ng Pagkabuhay
Acts 4, 1-12; Psalm 118; John 21, 1-14
Note: I have written short reflections in PANDESAL 2010, a Claretian Publication for the months of April, May and June. I will post these little reflections daily, so we have, if not in English, a reflection in Filipino. My apologies for those non-Filipino speakers. I will continue to post English homilies too.
Bilang pagbubunyag ng Kanyang sarili, inulit ni Hesus ang mga pangyayari sa nakaraan. Tulad ng una nilang pagtatagpo, muli Niyang sinariwa ang karanasang ito pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay. Sa tabing-dagat ng Tiberias, nagkatipon-tipon muli ang mga alagad tulad ng dati. Sama-sama silang nag-almusal ng inihaw na isda at pira-pirasong tinapay.
Tulad nito ang pagtitipon ng mga barkada o dating kaklase. Tuwing nagkikita-kita, pinaguusapan at binabalik-balikan ang mga alaala na nagbibigkis sa kanila. Sa pagsasama, lumalalim ang pagkakaisa at pagmamahal nila sa isa’t isa. Sa ating panahon, unti-unti nang lumalaho ang mga pagkakataong magkasabay ang pamilya sa hapag-kainan o ang panahon para sa kaibigan. Ang kanya-kanyang buhay nagiging kultura sa pangkasalukuyan. Paano ba natin sinasariwa at pinapalalim ang ating mga ugnayan?
No comments:
Post a Comment