Makikila Natin ang Sarili sa Ating mga Sugat

8 Abril 2010. Huwebes ng Oktaba ng Pasko ng Pagkabuhay
Acts 3, 11-26; Psalm 8; Lucas 24, 35-48


Note: I have written short reflections in PANDESAL 2010, a Claretian Publication for the months of April, May and June. I will post these little reflections daily, so we have, if not in English, a reflection in Filipino. My apologies for those non-Filipino speakers. I will continue to post English homilies too.

Ipinakilala ni Hesus ang kanyang sarili sa pamamagitan ng kanyang mga sugat sa kamay, sa mga pinaglagusan ng pako at sugat sa tagiliran. Aniya Hesus, “Ako nga siya.” At nawala ang pagdududa ng mga alagad at nakilala siya.

Sa isang banda, ang ating mga sugat ang sanhi ng pagkakilala natin sa ating sarili. Kung kinagisnan natin ang pamilyang watak-watak, mahirap magtiwala at natatakot tayong iwanan. Kung paano tayong pinalaki ng ating mga magulang, ganyan din ang ipapasa natin sa ating mga anak. Pinaparusahan ang mali, ginagantimpalaan ang tama. Dahil ayaw natin ng parusa, iniiwasan nating ulitin ang pagkakamali.

Ngunit, kung lumaki tayo sa isang nagmamahalan na pamilya, madali sa atin ang maging mapagmalasakit. Sa ating buhay, paano ba hinubog ng ating mga sugat ang ating sarili?

No comments: