Ang Inakalang Namatay

7 Abril 2010. Miyerkoles ng Oktaba ng Pasko ng Pagkabuhay.
Acts 3, 1-10; Psalm 105; Lucas 24, 13-35


Note: I have written short reflections in PANDESAL 2010, a Claretian Publication for the months of April, May and June. I will post these little reflections daily, so we have, if not in English, a reflection in Filipino. My apologies for those non-Filipino speakers. I will continue to post English homilies too.

Magkasama ang dalawang alagad na nagbabahagi ng kanilang kabiguan sa nangyari sa Jerusalem. Naglalakad silang pauwi. At sinabayan sila ni Hesus. Tulad ni Maria Magdalena, hindi rin Siya nakilala ng mga alagad. Pinaliwanag ni Hesus ang mga nakasulat ukol sa Kanya at sa nangyaring pagpapako sa krus. At habang naglalakad, nag-aalab ang kanilang puso at pinatuloy nila sa Hesus sa kanilang tahanan. Doon, nabuksan ang kanilang mga mata nang nakilala nila Siya sa pagpipiraso ng tinapay.

Nakikila natin ang isang tao sa mga bagay na nakakasanayan nating nakikita sa kanila. Halimbawa, sa kanilang ibang klaseng paglalakad, sa hugis ng kanilang katawan, sa nakaugalian nilang ginagawa sa pagtitimpla ng kape. Sa tuwing nagkakasama tayo sa misa at nakikibahagi tayo sa Salita ng Diyos at sa pagpipiraso ng tinapay, inaalala natin ang Panginoon na laging sinasabayan tayo sa paglalakbay sa buhay.

No comments: