Kapag Nabulag ng Luha

6 Abril 2010. Martes ng Oktaba ng Pasko ng Pagkabuhay.
Acts 2, 36-41; Psalm 33; John 20, 11-18

Note: I have written short reflections in PANDESAL 2010, a Claretian Publication for the months of April, May and June. I will post these little reflections daily, so we have, if not in English, a reflection in Filipino. My apologies for those non-Filipino speakers. I will continue to post English homilies too.

Sa lalim ng kanyang dalamhati, hindi nakilala ni Maria si Hesus. Akala niya, Siya ang hardinero. At nang tinawag Siya ni Hesus sa kanyang pangalan, nabuksan ang kanyang mata. Napawi ang dalamhati at napalitaan ito ng tuwa. Dahil dito, si Maria ang unang alagad na nagbalita sa muling pagkabuhay ni Hesus.

Hindi natin agad-agad nakikita ang liwanag sa gitna ng ating mga kapighatian. Kapag sariwa pa ang sugat, hindi natin unang kailangan ang isang paliwanag. Kailangan ng panahon at kaibigan upang samahan tayo sa ating pagluha. Kailangang pahupain muna ang mga masisidhing damdamin, kaya kailangan natin ng yakap ng kapuso o kapamilya. Sila ang mga taong personal na nakakakilala sa atin, ang “tumatawag sa ating mga pangalan.” Kapag may karamay, gumagaan ang ating kalooban at mas madaling umahon sa mga trahedya sa buhay.

No comments: