5 Abril 2010. Lunes ng Oktaba ng Pasko ng Pagkabuhay.
Acts 2, 14-33; Psalm 16; Matthew 28, 8-15
Note: I have written short reflections in PANDESAL 2010, a Claretian Publication for the months of April, May and June. I will post these little reflections daily, so we have, if not in English, a reflection in Filipino. My apologies for those non-Filipino speakers. I will continue to post English homilies too.
Pera ang ginamit upang itago ang katotohanang nabuhay muli ang Panginoon. Binayaran ng mga punong-pari at matatanda ng bayan ang mga sundalo upang ipalaganap na ninakaw ng mga alagad ang bangkay ni Hesus bilang patunay na nabuhay Siyang muli. Ginawa ito upang hindi sila mapahamak sa gobernador, at upang hindi sila magmukhang tanga sa mga tao.
Laganap ang kuwentong ito sa ating lipunan. Makikita natin ang sari’t-saring mga balita ng pagtatakip ng katotohanan; iba’t ibang tao ang nababayaran upang magsinungaling sa korte o sa media. Ang nagnakaw ng limpak-limpak ang nagiging santo; ang mga nakakaalam ng katotohanan, ginagawa nilang sinungaling. Nguni’t sa kabila ng lahat, lumalabas pa rin ang katotohanan sa paglipas ng panahon. Hindi nananaig ang kasamaan sa mundong iniligtas ng Diyos.
No comments:
Post a Comment