13 Abril 2010. Martes ng ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Acts 4, 32-37; Psalm 93; John 3, 7-15
Note: This article appears in Pandesal from Claretian Publications. I wrote all the reflections from April to June 2010. My apologies to non-Filipino readers. I will post English articles too.
Itinaas ni Moises ang ahas na gawa sa tanso sa disyerto. Gumaling ang mga taong tumingin dito. Ngunit, ang ahas na itinaas ni Moises ang siyang sanhi ng pagkamatay ng mga Israelita. Gayun din ang gagawin nating hangad ang pagbabagong-buhay. Ibabaling natin ang ating sarili sa Panginoon lamang.
Ang lunas sa kagat ng ahas natatagpuan sa mismong lason nito. Maraming gamot na nagpapagaling sa iba’t ibang klaseng karamdaman natuklasan sa mismong nakakalasong tanim. Sa ating buhay, ang tamang tugon sa sari-saring problema natatagpuan sa mga aral na nakukuha natin sa karanasan natin sa parehong uri ng suliranin. Kung pera ang problema, binabalikan natin kung paano nating hinarap noon ang ganitong uri ng hirap. Si Hesus mismo ang sanhi ng pagkabagabag natin kapag tayo’y nagkakasala; ngunit ang kapayapaan ng ating sarili nakakamit sa mismong pagpapatawad ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment