14 Abril 2010. Miyerkules ng ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Acts 4, 17-26; Psalm 34; John 3, 16-21
Note: You will find this article in Pandesal, a Claretian Publication.
Sabi ni Immanuel Kant, madali ang magpakasama. Mas mahal natin ang karimlan kaysa ang Liwanag. Nakasanayan na natin gawin ang ating mga paboritong kasalanan at mahirap iwasan o pawiin ang mga ito. Kung nabubunyag ang mga lamat sa ating buhay, nababagabag tayo. Hindi natin gustong malaman ng ating mga kaibigan ang nakakahiyang sikreto natin sa buhay dahil natatakot tayong iwanan nila.
Ngunit iba ang karanasan ng mga taong nagmahal at nagbahagi ng lahat sa kanilang buhay. Naging mas lumalim at totoo ang pagmamahal ng kanilang mga kaibigan sa kanila. Nang sumailalim sila sa liwanag, naging mas malaya at magaan ang kanilang kalooban. Ang kapangyarihan at pagmamahal ng Diyos ang nakatulong upang makatawid sa liwanag. Ano-anong mga nakasanayan nating gawin ang kailangan na nating ibasura upang magbagong-buhay?
No comments:
Post a Comment