Kanino Ka Napapabilang?

Abril 15. Huwebes ng ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay.
Acts 5, 27-33; Psalm 34; John 3, 31-36


Note: This is article you will find in Pandesal 2010, the Bible diary of the Claretian Publication. I wrote the April - June reflections.

Nakikita ang ating pinanggalingan sa ating pananalita, pag-uugali at sa ating pakikitungo sa kapwa. Ang makalupa, makalupa din ang sinasabi. Maririnig natin sa kanya ang mga pinahahalagahan ng maka-mundo. Pagsisikapan niyang maging makapangyarihan kahit nakakaapak na siya ng kapwa tao. Hangad niyang sumikat at sa kanyang kasakiman, hindi niya tantantaning makuha ang kanyang kagustuhan.

Ngunit, pinapatunayan nang naparirito mula sa langit ang Salita ng Diyos. Pinahahalagahan ng taong nananampalataya sa Diyos ang mga bagay na maka-langit. Isinasabuhay nito ang kautusan ng Panginoon. Isinasalamin nito ang kabaitan ng Diyos sa kapwa. At hindi ito nawawalan ng pag-asa, kahit kapit na ito sa patalim. Kung tatanungin natin ang ating sarili, kanino tayo napapabilang?

No comments: