16 Abril 2010. Biyernes ng ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay.
Acts 5, 34-42; Psalm 27; John 6, 1-15
Note: You can find this article in Pandesal, the 2010 Bible Diary of the Claretian Publication. I wrote the daily reflections from April to June 2010.
Binusog ni Hesus ang limanlibo mahigit na tao. Pinakain Niya ang nagkatipon-tipong tao sa kapirasong tinapay at isda. At sa maliit na ibinahagi ng isang bata, marami pang natira. Bago ipinabigay ang limang tinapay na sebada, kinuha niya ito at nagpasalamat sa Diyos.
May ibabahagi ang bawat tao, gaano man ito kaliit. Kaya nating busugin ang pangangailangan ng maraming mga tao sa pamamagitan ng ating mga kakayahan. Kikilalanin muna natin ang ating mga galing. At bilang pasasalamat sa Diyos, hinahasa natin ang ating mga kakayahan upang maging mas mahusay ang paggamit nito sa paglilingkod. Pinapasaya ng maraming mang-aawit ang libo-libong taong nakikinig sa kanilang pagkanta. Dahil sa isang magaling na komedyante, nakakalimutan ng sandaang tao ang kanilang suliranin. Nagiging madali sa maraming tao ang pagtawid sa kabilang lalawigan dahil sa isang tulay na itinayo ng isang mahusay na manggagawa.
No comments:
Post a Comment