Nagtatanong Ka Ba?

12 Abril 2010. Lunes ng ika-2 linggo ng Pasko ng Pagkabuhay.
Acts 4, 23-31; Psalm 2; John 3, 1-8

Note: This article appears in Pandesal from Claretian Publications. I wrote all the reflections from April to June 2010. My apologies to non-Filipino readers. Will post English articles too.

Isang Pariseo at isang pinuno ng mga Judio si Nicodemo. Isang gabi, pinuntahan niya si Hesus upang magtanong kung paano makakapasok ang isang tao sa kaharian ng Diyos. Kailangang mabinyagan siya sa Espiritu, sagot ni Hesus. Sa sulat ni Juan, mahalaga ang dilim at liwanag. Nasa kadiliman pa lamang si Nicodemo dahil hindi nito batid ang maraming bagay sa pananampalataya; dahil dito, nagtanong siya kay Hesus na nagpaliwanag sa kanya.

Maraming tayong mga katanungan sa buhay-espirituwal. Natatakot tayong magtanong dahil inaakala natin na mahina ang ating pananampalataya kung marami tayong hindi maunawaan. Kaya nananatili tayo sa dilim. Nagkukulang tayo sa pag-unawa sa ating pinaniniwalaan. Subalit, ipinakita ni Nicodemo kung paanong natatagpuan ang kasagutan: sa pagsasangguni sa tunay na Liwanag. Hinanap na ba natin kay Hesus ang sagot sa ating mga katanungan sa buhay?

2 comments:

Angelo said...

very true father!...

I observe that former Catholic decided to leave our faith behind is due to their lack of knowledge of our beliefs, not just doctrines and catechesis, but also the DEEPER, SPIRITUAL meaning to all of this...

I always believe that when in doubt about the Catholic faith, ask a priest!

Maraming nasa dilim Father. Please pray for them. And rest assured na kasama ninyo ako sa gawaing ito. :p

Unknown said...

Thank and the historical context of the deposit of faith. Thanks again.