Acts 13, 13-25; Psalm 89; John 13, 16-20
Note: This article appears in Pandesal 2010, the bible diary of the Claretian Publications. I wrote the reflections from April to June 2010.
Walang sinugo ang mas dakila sa nagpadala sa kanya, wika ni Hesus. Dahil isang Diyos si Hesus, alam niya ang makalangit. At ang mga bagay na mas mahalaga sa mga pinahahalagahan ng mundo ang Kanyang tinuturo. Halimbawa, tinuturo niya na ang pag-ibig ang mas mahalaga kaysa ating buhay; ang iniibig natin ang mas tinatangi natin kaysa sa iba. Dahil dito, nararapat na magtiwala tayo sa pagkatao ni Hesus. Hindi tayo magkakamali na piliin nating sundan Siya higit pa sa ibang tao.
Kinikilala ni Hesus na may mga taong nararapat nating respetuhin; kahit mas marami pa tayong nalalaman sa kanila. Bilang mga anak ng Diyos, pantay-pantay tayong lahat. Ngunit may nagkakaiba tayo sa isa’t isa dahil sa ating mga ginagampanan sa buhay. Dahil dito, mas nararapat nating respetuhin ang ating mga magulang; kahit ano man ang mga pagkakamali nila sa atin, sila pa rin ang natatangi nating pinagmulan.

No comments:
Post a Comment