Acts 13, 26-33; Psalm 2; John 14, 1-6
Note: This article appears in Pandesal 2010, the bible diary of the Claretian Publications.
Nawala ka na ba sa isang subdivision? Dalawa ang maaari nating gawin. Maaari nating gamitin ang mapa upang makarating sa ating pupuntahan. Hanapin ang mga kalye at lansangang tungo sa hinahanap na bahay. Ngunit mas madali kung may taong may alam na sa pupuntahan. Sa pangalawang paraan, ang tao mismo ang siyang daan. Ganito si Hesus, “Ako ang daan. Walang nakakalapit sa Ama kundi sa pamamagitan ko.” Dahil alam ni Hesus kung paanong makakalapit sa Ama, kaya mas madali kung tutularan natin Siya.
Maraming paraan upang makarating sa kaluwalhatian. Iba’t ibang istilo ng pagdarasal. Iba’t ibang paraan ng kabuhayan. Iba’t ibang mga santo na maaaring nating gawing huwaran sa buhay. Isang daan tungo sa Diyos ang bawat banal na pinaparangalan natin sa simbahan. Ngunit iisa ang kanilang sinusundan at tinatangi: si Hesus na siyang daanan tungo sa Ama.

No comments:
Post a Comment