Matthew 13, 54-58
Note: Sa Kapistahan ni San Jose Manggagawa sa Pilipinas, ginagamit natin ang ebanghelio hango kay Mateo. Makikita itong pagninilay sa Pandesal 2010, ang bible diary ng Claretian Publication.
Nakikilala ang ating pinanggalingan sa ating mga gawain. Nang namangha ang mga Judio sa synagoga sa istilo at laman ng itinuturo ni Hesus, tinanong nila ang kanilang sarili kung saan galing ang karunungan at natatanging kapangyarihan ni Hesus. Tinanong din nila kung sino ang kanyang pamilya. Karangalan ng ating mga magulang, kapatid at kaibigan ang makita tayong matayog ang narating; tagumpay ng magulang ang tagumpay ng anak.
Hindi nakapagtataka na kapag ang isang kaibigan naging sikat, sinasabi natin sa ibang tao na may kaugnayan tayo sa kanila. Minsan, sinisiksik natin ang ating sarili sa kanila. Kung sinasabi natin na may debosyon tayo kay San Jose Manggagawa, paano ba tayo nakikisama sa kanyang kasikatan bilang mapagarugang ama ni Hesus sa kanyang pananahan dito sa lupa? Kung naaaninag ang Diyos sa ating sarili, paano natin sinasalamin ang pagkikipagkaibigan ng Diyos? Nakikita ba sa ating mga gawa ang Ama natin sa kaluwalhatian?

No comments:
Post a Comment