2 Mayo 2010. Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Gawa 14, 21-27. Pag 21, 1-5. Jn 13:31 – 35
Note: This reflection appears in Pandesal 2010, the bible diary of the Claretian Publications.
Upang mabigyang luwalhati ang Panginoon, sasalamin natin ang kanyang mga katangian. Niluwalhati ang Anak ng Tao, at niluwalhati rin sa Kanya ang Diyos. Gayon din, magmahalan tayo tulad ng pagmamahal Niya sa atin. Tutulungan tayo ng Diyos sapagka’t nasa piling na natin ang Tirahan ng Diyos, ayon sa pangalawang pagbasa. Sa pamamagitan ng pagsasalamin sa buhay ng Diyos, magbabago ang lahat. Lahat ng bansa magiging bansa ng Diyos tulad ng mga bansang tinanggap ang turo ni Hesus sa pagmamagitan ni San Pablo.
Sinasalamin natin ang mga katangian ng Diyos sa mga pang-araw-araw na gawain. Sa paghahanda ng baon para sa ating mga anak, isinasalamin natin ang pag-aaruga ng Diyos. Sa pagtatrabaho, ginagaya natin ang pagsisikap ng Diyos. Sa ating lingguhang pagsamba, tinutularan natin ang kanyang pamamahinga. Sa pagtutog o pag-awit, nasusulyapan ng tao ang Kagandahan ng Diyos.
No comments:
Post a Comment