Bukas Ka Ba sa mga Taong Iba sa Atin?

9 Mayo 2010. Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Gawa 15, 1-2, 22-29; Pag 21, 1-14, 22-23; Jn 14, 23-29


Note: This reflection appears in Pandesal 2010, the bible diary of the Claretian Publications.

Iisa lamang ang bumibigkis sa ating lahat: ang ating pag-ibig sa Panginoon. Kaya kahit magkakaiba ang paraan ng pagsamba ayon sa kanya-kanyang kultura, nire-respeto ng Simbahan ang pagkakaibang ito. Iba-iba ang misa sa iba’t ibang dako ng Africa, punong-puno ng kantahan at sayawan ang kanilang pagsamba. May kakaiba rin kapag nasa Asya. Isang palatandaan ng Hudio ang pagtutuli; dahil dito isang Hentil o di-Hudio ang di tuli. Ngunit, napagkaisahan ng apostol at Matatanda sa Jerusalem na hindi kailangang tuli upang mapabilang sa Simbahan. Wika ni San Pablo na nananatili ang Espiritu Santo sa Hentil at tinanggap nilang buong puso ang panananampalataya kay Hesus.

May mga bagay na pinaniniwalaan nating lahat. Ito ang pinapahayag nating Pananampalataya tuwing Linggo. Dito nagkakaisa ang buong Simbahang Katoliko. Bilang pagpapakita ng pag-ibig, ayon sa kautusan ng Panginoon, bukas ba ang ating kalooban sa mga taong iba sa atin?

No comments: