8 Mayo 2010. Sabado ng ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Acts 16, 1-10; Psalm 100; John 15, 18-21
Pinangunahan na tayo ni Hesus kung isasapuso natin ang kanyang mga utos: kapopootan tayo ng mundo. At kung naranasan nating kinamuihan ng iba, alalahanin natin na unang kinapootan si Hesus bago natin. Kapag iba ang paraan ng ating pamumuhay na hindi ayon sa sistema ng karamihan, maraming hindi makaka-unawa sa ating mga ginagawa.
Halimbawa, maraming sumasalungat sa may malalim na debosyon sa ating Mahal na Ina lalung-lalo na ngayong Mayo. Karamihan nito ang ating mga kapatid na Kristiyano din, ngunit iba ang kinabibilangan. Kahit anong paliwanag natin sa kanila, hindi nila tatanggapin ito. Hindi lamang ito, maraming mga programa sa radyo at telebisyon na walang ibang inuusig kundi ang pananampalatayang Katoliko. Tulad ng tugon ni Hesus, hindi natin ginagawa ang labanan nang ayon sa kanilang pamamaraan. Wala tayong mga programang nang-uusig sa ibang pananampalataya.
No comments:
Post a Comment