7 Mayo 2010. Biyernes ng ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Acts 15, 22-31; Psalm 57; John 15, 12-17
May pagkakaiba ang katulong sa isang kaibigan. Hindi obligado ang amo na ipaalam sa lingkod ang kanyang mga gawain. Ginagawa nito ang inuutos ng kanyang amo nang hindi sa kanya ipinapaliwanag. Ngunit, ipinapaalam at ipinapaliwanag ng isang kaibigan ang kanyang mga gawain sa kapwa kaibigan. Ibinabahagi nito ang lahat sa kanyang katoto.
Ayon kay Hesus, hindi niya tayo tinuring na lingkod, kundi isang kaibigan. Ibinahagi na Niya sa atin ang lahat nang nalalaman Niya ukol sa Kanyang ama. Dahil dito, isang malalim na pagkakaibigan ang pagiging Kristiyano. Ngunit maraming mga oras na tayo mismo ang pumipiling maging isang katulong kaysa kaibigan. Gumagawa lang tayo na hindi natin alam ang dahilan. Ipinaliwanag na ng Simbahan, ngunit hindi nating binibigyan ng pansin. Upang makilala ang isang kaibigan, nais natin malaman ang dahilan ng kanilang gawain.
No comments:
Post a Comment